Porn is an Art

Isa pang hindi mo alam sa akin ay nangongolekta ako ng porn movies.

Teka. Magkukwento muna ako.

Ewan ko sa college na pinasukan mo pero sa amin ginto ang mag-internet. P30-P40 per hour. Kaya naman nakakapanood lang kami ng porn kapag may nagpupuslit ng CD sa apartment. Late bloomer kami kaya fourth year college lang nagsimulang manood ng porn. Tanda ko pa ang una naming napanood, na natawa kami imbes na malibugan: Snow White and the Seven Dwarfs. Hindi sa akin yung CD kaya hindi ko naitabi.

Si Snow White na pambata.

Si Snow White na HINDI pambata.

Hindi man ako nalibugan, naaliw ako sa porn (ewan ko dun sa kasama ko) kaya nagsimula akong mangolekta. Alam kong iba ang iisipin kapag nakarinig ng babaeng nangongolekta ng porn, pero hayaan mo muna akong magpaliwanag.

Porn is an art para sa mga taong may bukas na pag-iisip at hindi nililimitahan ang sarili at hindi din sinasarado ang mga kinikilos ng kung ano mang shit ang sinasabi ng lipunan. Nakakahinayang nga lang dahil ngayon ko lang ito nasabi at hindi pa kabilang sa huling blog ko. Aaminin ko na din na si Donald Villanueva isang kaibigan pa ang bumibili ng porn para sa akin dahil ang sama makatingin ng mga manong kapag ako mismo ang bumibili. Bakit lalake lang ba ang may karapatang manood ng porn? Pwe!

Cinematography, kwento, paano nabubuo ang plot, emosyon ng mga karakter sa kanilang sarili at sa isa’t-isa, hindi lang yung basta makadale. Ang mga taong gumagawa nito ay talaga namang nag-eefort na mapaganda ang kanilang craft. Sexy pose, acrobatic-style sex position, location, background, timing, gimik, lalo na ang hentai na mas matindi pang mag-isip. Nakapanood na ako ng cute, teen, battle, alien, scifi, brutal, masaker, rape, kahit ano yata naisip na ng mga hapon. Minsan nakakatawa lang, promise.

Adaptation of " The Lord of the Rings".

Isa pa pala, last na. Sa mga nanghiram ng CD/DVD collection ko, pwedeng ibalik nyo?

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Porn is an Art

Advertisements