Masahe

Okay olrayt. Sorry naman dahil ngayon lang ako nakapagpost ng maswerteng magpapahimas sa katawan ng libre. Ang dami ko kasing sinasagot na tanong na kung magpapahiram ba ako ng .. :roll:

Huwag kayong mag-alala, hindi ako naiinggit sa nanalo. Ang unang pagpapamasahe ko ay punong puno ng awkwardness, kahit na puro babae kami (Maam Nydia, Amerose, at Deo. Si Deo babae yan.), kahit na sa tinuturing na pinaka-shala na spa (The Spa). Ayaw ko ng may humihimas sa katawan ko ng hindi ko kilalang kamay. Nakakaindak, nakakabaliw, nakakatindig balahibo.

Isa pa, what’s with the hot sauna? Bukod sa mahirap huminga sa loob, ayaw ko din ng mainitan, mabasa at pagpawisan. Ang init na kaya dito sa Pinas. Oo na, ang hot sauna ay nakakaopen ng pores, nakakapag-ayos ng magandang sirkulasyon ng dugo, etc. Eh ano ngayon? Buti kung ganito ang kasama ko sa sauna, pwede akong mainitan, mabasa at pagpawisan. Har har!

Nakakaindak, nakakaaliw, nakakatindig balahibo.

Kaya naman ayaw ko magpamasahe, pero gusto kong magmasahe.

Bago ko makalimutan, heto na ang nanalo sa aking kontes kontesan.

http://images.borgborg.multiply.com/logo/1
http://borgborg.multiply.com/journal/item/6/Free_Gift_Certificate_from_Confetti_Spa_by_just_reposting_this_blog

Winner ka ng Confetti Spa Gift Certificate worth P250, okay na sa isang oras ng Swedish Massage, Shiatsu Massage, Back Massage o Hand & Foot Reflex.

Paalala kay Borg: Hindi ako ang magmamasahe. Sana po maliwanag ito. *wenk*

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Masahe

Advertisements