Ano Ang Dapat Gawin Kung Tinatamad Kang Magtrabaho?

Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang magtrabaho.

A. Una ay umabsent.

1. Dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.

2. Mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the better.

3. Bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw.

http://dayliesmovieandtv.blogspot.com/2009_01_04_archive.html

BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan kung ikaw ay mag-aabsent.

B. Pangalawa ay pumasok

Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad magtrabaho pero ayaw umabsent. Ang mga taong ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective.

1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at huwag ka din namang excited masyado. 8:00

2. Pagdating mo sa opisina ay magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom mo pag umaga. Tagalan ang pagtimpla, mga trenta minutos ayos na. 8:00-8:30

3. Buksan ang computer. Buksan ang mailbox. Basahin ang mga emai, mapabago man o luma. Buksan lahat ng pedeng buksang attachments, makakabuti ito sa pagpapatagal ng oras. Magbasa ng RSS Feed kung saan ka naka-subscibe. 8:30-9:30

3. Matapos ang makabuluhag paggamit ng computer ay magdala ng mga papel-papel at magtungo sa kung saan mo man nais. Mas maganda kung mukha kang aborido hawak ang mga props mo habang papaalis ng lamesa, ito ay para sabihin ng bossing mo sampu ng kasamahan mo sa trabaho na busy ka lagi. Gawin ito kahit sa CR lang pupunta. 9:30-10:00

4. Tignan mo nga naman. Alas dies na! Break time na ulit! Dalhin ang tasa sa pantry at magtimpla ulit ng panibagong kape. 10:00-10:15

5. Pagkatapos ng break ay bumalik sa lamesa at humarap sa computer. Tapos ka na sa mga emails mo, ngayon naman ay mag-internet ka na lang ng kung anik-anik. Magbloghopping. Kailangan mong i-master ang ALT TAB Technique para sa magandang resulta. 10:15-12:00

6. Tama na muna ang internet. Lunch break na! Alam mo na ang dapat gawin. 12:00-1:00

7. Pagkatapos kumain ay gawin ulit ang #5. Habang gingawa ito ay maglabas ulit ng mga scratch papers na para bang me hinahanap. Tandaan na dapat seryoso ang mukha mo habang gingawa ang mga ito (tip: ikunot ang noo para makakuha ng mukhang seryoso). 1:00-3:00

8. Break time na ulit. Ang bilis nga naman ng oras. Hala..punta na ulit sa pantry. Maaari ka na ulit mag-kape. 3:00-3:15

9. Bumalik sa computer. Tapos ka na sa emails, RSS Feed at bloghopping. Gumawa ka naman ng blog sa Excel (oo sa Excel!) para mukhang kapakipakinabang sa kumpanyang kinapasukan mo ang blog na ginagawa mo.  3:15-5:00

BABALA: Wag mong ipapabasa ito sa bossing mo kung ayaw mong mawalan ka ng trabaho.

REPOST but edited. Galing ito sa lumang email habang ginagawa ko ang Rule #B.3.

__________________________________________________

Email to a friend

Bookmark Ano Ang Dapat Gawin Kung Tinatamad Kang Magtrabaho?

Advertisements