Ano Ang Dapat Gawin Kung Tinatamad Kang Mag-aral

Disklaymer: Hindi pwede ang ilang payo sa lahat ng unibersidad.

Sa buhay estudyante merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang pumasok.

A. Una ay umabsent.

http://www.picturestown.com/_images/student_sleeping_outside_sc  hool_royalty_free_080813-157889-081020.jpg1. Dapat ay may kaklaseng memoryado ang buong pangalan at student number mo. Mas maganda din kung alam nya kung papaano ka pumirma (tip: pag-usapan ito sa simula pa lang ng semester) ng sa gayon ay may magsasagot para sa iyo kapag nag-quiz o magpapirma ng attendance. Alalahanin na tuso din ang mga titser.

2. Mag-text o tumawag sa kakuntsabang kaklase, the earlier the better para mapwersa syang pumasok.

3. Bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na aabsent ka din sa susunod na subject kaya kontakin na ang dapat kontakin.

BABALA: Siguraduhing prepared ka din kung sakaling naunang magtext sa iyo ang classmate na kakuntsaba mo. Ibig sabihin turn mo naman pumasok para sa inyong dalawa. Alam mo na ang gagawin.

B. Pangalawa ay pumasok

Eto ang dapat gawin ng mga estudyanteng kapag tinatamad pumasok pero ayaw umabsent. Ang mga batang ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective. Eto ay nakatakda para sa isang oras na klase.

1. Huwag pumasok ng sakto sa oras. Gamitin ng maayos ang allowed number of minutes sa late comers.

2. Pagdating mo sa classroom ay ilapag kaagad ang gamit mo na parang pagod na pagod ka dahil pinilit mong hindi malate. Buksan ang notebook. Maglabas ng ballpen. Magsulat na parang napakaimportante ng sinasabi ng titser mo kahit wala kang naiintindihan.

3. Kapag hinanapan ka ng assignment (WTF! Anong assignment?!) sabihin mong bawal sa relihiyon mo ang paggawa ng assignment. Ginugugol mo lang sa pagdarasal sa poong maykapal ang mga sandaling wala ka sa eskwelahan. Amen.

3. Mabisang pangpagising ang pagkurot sa sarili.

4. Gamit ang ballpen, gawing coloring book ang textbook.

http://2.bp.blogspot.com/_mbWThvBk2kA/ShLO8YhsxTI/AAAAAAAALZc/u  XVShJN9eQ0/s320/student+sleeping.gif

5. Gamitin ang imahinasyon, maglamyerda ang isip. Alam mo na ang dapat gawin.

6. Tignan mo nga naman. Nakaisang oras na! Uwian na, uwian na, uwian na.. (until fades).

BABALA: Wag mong ipapabasa ito sa titser mo kung ayaw mong masingko.

__________________________________________________
Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Ano Ang Dapat Gawin Kung Tinatamad Kang Mag-aral

Advertisements