Arrogance (not love) makes the world go round.

Naniniwala akong ang lahat ng ating ginagawa ay dahil sa yabang.

Bakit tayo nagpakahirap mag-aral ng halos sampung taon? Para makagraduate, makapaghanap ng trabaho, mabuhay ng may pera, may ipagyabang balang araw.

http://www.arrogantbastard.com/world/worldlogo.gif

Bakit ba tayo nagpupumilit pumasok sa magandang unibersidad? Para maipagmalaki na sa magandang unibersidad ka nagtapos. Ngayong nagtatrabaho na ako, nalaman kong walang kinalaman ang unibersidad na iyong pinagtapusan sa pagkuha ng magandang trabaho.

Mayroon akong kilalang nakagraduate (oo may diploma, hindi yung basta tinapos lang ang college) sa Unibersidad ng Pilipinas pero ang binagsakang trabaho ay security guard.

Bakit gusto nating bumili ng magagarang sasakyan, latest model ng phone, magpatayo ng malalaking bahay at hindi nagpapahuli sa mga gadgets, laptop at gaming console? Para may ipagmalaki tayo. Mayabang tayo eh.

Bakit ako nagba-blog? Para magyabang. Maipakitang kaya ko din magsulat.

Bakit ako may Twitter, Plurk, Multiply, Friendster at Facebook account? Para ipagyabang kung anong bago sa akin, kung anong bagong naisip ko, kung saan ako pupunta o nakapunta, kung may gimik.

Bakit gusto nating maging maligaya/masaya? Lalo na pagdating sa pag-ibig? Naalala ko tuloy ang nobelang “Para kay B”. Syempre ayaw natin mapasama sa quota ng pag-ibig. Gusto nating ipagyabang sa buong mundo na may lovelife tayo, na hindi tayo Single (yes capital S) kapag Valentines. O hindi malamig ang parating na pasko.. oh well pasko.

Uulitin ko, theory ko lang ito, walang basehan, pero may bahid katotohanan.

http://www.savagechickens.com/images/chickenknowitall.jpg

Gawd, I hate those bloggers who blog about everything they do, see, hear, eat, dream, believe, survive.

__________________________________________________

Bookmark Arrogance (not love) makes the world go round

Advertisements