Post-Christmas Post

Hindi ako magso-sorry dahil nanahimik ako at walang update sa blog na ito dahil..

Una, badtrip ako. Isang buwan na akong kayod marino sa trabaho dahil sa pesteng year end promo ng kumpanyang pinapasukan ko. Ang year end promo na ito ay hindi sale na nagkalat sa mall. Wish ko lang.

Pangalawa, ngayon lang naibalik ng HP Service Center ang lappie ko. December 1 ko pa iniwan ang laptop ko dahil may dumi sa screen. Nakakairita kasing tingnan kapag may dumi sa screen di ba? Pero mas nakakairita din ang mag-intay ng halos isang buwan para lang ipaalis ang napakaliit na nakakairitang dumi.

Pangatlo, emo ako. Ayaw ko mag-blog kapag emo ako. Dyosme hindi bagay sa personality ko. Kung may personality man ako.

Pang-apat, constipated na yata ako dahil sa sandamakmak na kinain kong liempo, patatim, spag, salad, isdang hindi ko alam ang pangalan, kaldereta, bibingka, pizza, hipon, gulaman, ATBP.

Panglima, at ang pinakamasakit sa lahat, nabutas ng bonggang bongga ang bulsa ko. Payback time sa aming nagtatrabaho na. Pero masaya. Sobrang saya.

Mga pinsang kong ohwber! sa kulit.
Mga pinsang kong ohwber! sa kulit.
Meet the Moguls.
Meet the Moguls.

Nakatanggap pa ako ng P200, t-shirt, dalawang pantulog (alam yata nilang mahilig akong matulog tsk!), hikaw, pang-top sa swim suit, salamin at Girbaud bag. Happiness.

Nga pala, maligayang pasko sa lahat. Pasensya na kayo kung ngayon lang ako nakapag-update ng blog na ito.

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Bookmark Post Christmas Post

Advertisements