Livin’ La Vida Loka

Mahigit isang taon na akong nakatira ng solo. September 2008 noong lumipat sa Quezon City para bumukod sa halos apat na taon kong roommate. Collge pa lang kami na ang magkaututang dila. Kaya naman napakahirap humiwalay sa kanya. Tanda ko dati, gabi gabi kaming nag-uusap tungkol sa mga pangarap sa buhay, problema, ka-opisina, lalakeeee.

Bakit ako bumukod? Kasi nakakuha ako ng rent-to-own condo sa halagang Php3,000 per month. No Downpayment. Fully furnished. Noong lumipat ako damit lang ang dala ko. Yung dati kong kabinet, electric fan, upuan, kutson, etc iniwan ko na sa dati kong roommate.

Pero akala nyo ba madaling tumira ng mag-isa? Abay syempre!

Nakakainom na ako ng solo. Minsan masarap din palang mag-emo mag-isa. Uminom ng walang patumangga na ikaw lang ang nakakakita sa mga kalokohan mo.

lasing

Nakakauwi na din ako ng kahit anong oras ko gusto ng walang keber na baka magising ko ang kasama ko sa bahay. Kasi wala akong kasama sa bahay.

Maswerte ako dahil madami akong kakilalang kapitbahay. Kaya naman kapag dumadalaw sa akin ang lungkot at kailangan may makausap pumupunta lang ako sa unit ng mga kaibigan ko. Akala nila kausap ang kailangan ko, pero props din lang yun para makikain ng libre.

kapitbahay
Mga Kapitbahay: Chie, Jhet, Deden, Ruffy. Yung nakaitim bwesita.

Pero namimiss ko ang dati kong roommate. Gefelyn Articona, I really miss you. Walastek ka, ikakasal ka na daw?

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Advertisements