Tayo – Ikaw = Ako

I finally have the courage in saying this all out loud. Salamat sa pagpatay mo ng phone habang nag-e-emote ako sa iyo. Kung nawalan ka man ng battery (o gumagawa na naman ako ng excuse mo?) malas mo na. Napunta na sa iyo ang lahat ng kamalasan ng mundo.

Huwag kang mag-alala, inaako ko ang lahat ng kasalanan ko. Pati kasalanan mo kasalanan ko na din kung gusto mo. Hindi ako madamot. Sana huwag ka din makasarili.

Sana sa pagkakataong ito, ako naman ang pagbigyan mo. Alam ko at alam kong alam mong ilang beses kitang pinagbigyan at pinatawad. Sana ngayon ako naman ang pagbigyan mo.

Kung mababaw man ako, pagpasensyahan mo na mababaw talaga ako.

Sa huli, pinapatawad pa din kita.

Yes, this is letting go.

__________________________________________________
Advertisements