Two Weeks Notice

Hi Guys,

Sinabi kong bigyan nyo ako ng dalawang linggo para hanapin ko lang uli ang sarili ko.

Nagsinungaling ako.

Hindi ko naman kailangang hanapin ang sarili ko. Ano ako autistic? Andito lang naman ang sarili ko, kasama ko, at walang ibang pupuntahan. Isang napakalaking excuse lang ito para iwasan ko kayo. Paraan lang ito para makapaglugmok ako sa kalungkutan ng walang nakakakita sa akin. Ayaw ko muna kayong kausapin masyado ng personal. Baka bigla na lang akong umiyak at ikagulat nyo. Atakihin pa kayo sa puso, sagutin ko pa.

Ang dalawang linggong yun ay hindi para sa paghahanap sa sarili kundi pagkakaroon ng panahon sa sarili. Alam kong hindi natatapos sa dalawang linggo ang lungkot ko, at hanggang ngayon may kirot pa din na kumukurot sa puso ko kapag dinadalaw ng lungkot.

Bukas na ang deadline ko ng pananahimik, at kapag hindi pa ako nagparamdam alam kong sasabihan nyo na akong OA. Kaya heto, inuunahan ko na kayo.

Sa loob ng dalawang linggo, madami akong pinalampas na masasayang lakad/gimik. Ayaw ko naman sumama sa masayang lakad tapos malungkot ako, kaya keri lang. Kahit naman minsan ma-miss nyo ako. Hahaha kapal muks!

Gefelyn, magkita na tayo next week at planuhin na natin ang kasal mo.

Roi, alam ko ikaw ang nagka-countdown dyan. Pwede na uli tayo magkwentuhan. Pero alam mong wala akong detalyeng sasabihin. Makuntento ka na kung ano lang ang nabasa mo.

Macel, hindi ako nakapagreply noong nasa Madison kayo. Wala akong load. At wala akong balak gumimik.

Leya, pasensya ka na sa dinner mo na hindi ko napuntahan. Babawi ako.

Karl, pasensya na din kung ininjan kita sa date natin. Hindi ko pa din napapanood ang Avatar. Pity me.

Cielo, Stats, Panickers, High school friends, Outdoor Addicts, bloggers, hindi ko kayo iniiwasan. Lagi kaya akong online. :)

Hope to hear from you soon.

Thanks and best regards,

Salbehe

Gone Fishin'... I'm back!

__________________________________________________

Bookmark Two Weeks Notice

Advertisements