A B Di N P L A Ko N K K Blog?!

Once a blogger, always a blogger. Yan ang sabi ng nanay ko. Kaya nung nasira at nasuspend ang salbehe.com ay agad-agad akong nagbukas ng panibagong blog.

Wala akong tamang sinabi sa unang paragraph na nabasa nyo. Una, walang kinalaman ang nanay ko sa “Once a blogger, always a blogger”. Pangalawa, niligawan ko muna nang lubos ang iPage.com nang masira ang blog ko. Dinalaw ko sya araw-araw, binigyan ng chocolates at long stemmed rose, pero hindi ako pinansin ng iPage.com. Halos dumugo na ang pores ko sa kaka-English sa customer service nila pero ayaw talaga nila akong pagbigyan. Hindi na daw sila nadadala sa aking uber delicious bodeh, pera pera na ngayon ang labanan.

Ano ang sira ng salbehe.com?

Yung totoo, hindi ko alam. Malay ko ba sa mga malicious files na yan eh hindi naman ako malisyosong tao. Ako ay isang mabuting tao na nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan ng aking puso. (Matthew 12:35)

Sa mga blogger na na-apektuhan din ng kaartehan ng iPage.com: I. Am. Sorry. Huwag kayong mag-alala hindi ako titigil sa pag-aayos ng site natin. Sa katunayan, may kakilala yung kakilala ko na willing mag-ayos ng na-malicious files na web sites. Tutulungan daw nya tayo. Sana kahit makuha lang ang backup files ng salbehe.com.

Sa mga dati nang nagbabasa ng blog ko, welcome back sa blog ko kung saan ako nagsimula. Wala akong backup ng salbehe.com (HUHUHUHU!) kaya puro kaemohan ang mababackread nyo dito. Eto yung panahong wasak na wasak ang pussyo ko. Pansamantagalan, dito ako magkakalat ng lagim.

Sa mga bago na magbabasa ng blog ko, uhmmm, good luck!

PS. Hindi ko pa nababasa ang libro ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? Bakit hindi ko binasa? Title pa lang ng libro nya, hindi na ako maka-relate.

Advertisements