Codename: Shaider

Eto ay kwento ng kapatid kong babae. Ayaw nyang pangalanan ko sya at bilang respeto sa karapatan nyang maging anonymous, ang code name nya sa kwentong ito ay… Annie.

Si Annie, tuwing bagong taon ay hindi naniniwala sa New Year Resolution. Ang trip nya sa buhay ay gumawa ng goal. Mag-set ng goal para sa buong taon nya.

So nung 2010, ang goal nya sa buhay ay magkaroon na ng pamilya. Gusto na nyang magka-asawa, magkaroon ng anak, at magsimula ng maliit na pamilya. Napakataas na pangarap nito para sa 26 years old never been kissed virgin. Kaya as expected, hindi nangyari ang goal ni Annie.

Noong 2011, sabi nya sa akin, “Ate, bababaan ko na ang goal ko this year. Ngayong 2011 ang goal ko na lang muna sa buhay ay magka-boyfriend.” Bilang very very supportive na kapatid, syempre all out ang support ako kay Annie. Pinapunta ko sya sa blind date (fail), sa speed dating (fail din) at gaybar (medyo fail pero kasi nag-enjoy naman sya). Pero natapos ang 2011, wala syang naging boyfriend.

Year 2012, bumaba na uli ang goal nya. Ang goal nya nung 2012 ay magpa-devirgin. Yep, kangkangan na lang ang habol sa buhay ni Annie. Hanep sa goal setting.

Bukod sa pagiging optimistic sa buhay ni Annie, isa pa sa mga hahangaan mo kay Annie ay mahilig syang pumunta sa beach kahit hindi sya marunong lumangoy. Summer of 2012, pumunta sya sa Boracay. Sa Bora, bar hopping sila ng mga kasama nya. Sa isang bar, may nag-abot kay Annie ng free drink. You know, kapag may alak, may balak. Eh may balak si Annie kaya gow, lubos ang pagtanggap nya sa free drink. Foreigner ang nag-abot ng drinks. European. Sabi sa sarili ni Annie “Shit, eto na yata ang pagkakataon ko para ma-devirginized!” Nung niyaya sya ni European na sumayaw, nakipag-party party din si Annie. PERO nung niyaya ni European sa hotel si Annie, tumanggi na sya. Natakot daw sya. Pa-virgin ang puta. Argh virgin pa nga pala talaga sya. Anywayyy. Habang sumasayaw daw kasi ay nararamdaman na ni Annie na kinikiskis ni European ang tite nya sa kanya.

Pag-uwi ni Annie galing Bora, sabi nya sa akin, “Ate, hindi ko pala keri magpa-devirginized! Scary shit! Kaya ang goal ko ng 2012 ay magpapalamas na lang ako ng dede. Yung masasarapan dapat ako!”

Year 2012 pa din (baka ma-lost kayo), pumunta si Annie sa Kota Kinabalu. Sa lobby ng hotel na pinag-stay-an nila, may napapansin syang mga foreigner na maiingay. Feeling nya nagpapapansin sa kanya pero dahil nadala na si Annie makipaglandian sa mga foreigner, hindi na nya pinansin. Last day nila sa Kota Kinabalu, hindi na yata nakapagpigil ang mga foreigner at nilapitan na nila si Annie. AYON YAN sa kwento ni Annie ha? Kaya huwag tayo masyadong umasa. Ang kwento nya, niyaya syang magdinner nung isa, si Shaider. American naman ngayon, US Marine. Pagkatapos magdinner, niyaya ni Shaider sa room si Annie. Si Annie na persistent sa goal setting nya, sumama. At this point pinutol ko na ang kwento ni Annie.

Salbe: Ikukwento mo ba lahat ng nangyari sa inyo sa kwarto?! Kasi nandidiri ako!

Annie: Sige na nga, hindi na! Basta eto.. nakuha ko na ang goal ko! At nasarapan ako! Ahihihi.

Year 2013, ang goal ni Annie ay puntahan si Shaider sa US.

My sister, her husband and the bodyguard. Joke, hindi ko kilala si big guy, but he looks like he could kill.. a fly. Joke lang uli.

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Pero hindi namin ini-expect na magpakasal sya. Agad-agad. Ang lahat ng kapalpakan ng goal setting nya from 2010 to 2012 ay binuhos ang kaswertehan sa 2013.

Ang moral of the story is (yes may moral of the story!) goal setting. Matutong gumawa ng goal sa buhay. Pwedeng babaan ang goal hanggang sa ma-achieve.

At bago ko makalimutan, Happy Birthday Es.. Annie!

Advertisements