Roar Themed Octoberfest Beach Camp Party

Yung mga kainuman ko na nakatira sa California Garden, mahilig silang magpa-party. Kahit sa condo nila basta pumunta lang ako dun, automatic iinom kami. Sasayaw pa. Karamihan sa kanila, ang birthday ay tuwing October. Kaya noong October 5-6, nagpa-party sila sa Burot Beach, Calatagan, Batangas. Free foods and drinks, babayaran lang ang transpo, entrance fee at kailangan magdala ng tent. So gora kami ni Harvey.

Ang ganda sa Burot! Malinis at konti lang ang tao.

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 1

O di ba, parang sila lang ang tao.

May laging tatlong organizer ang lakad na ito: Sina Maan, Herza at Nica. Ang goal ng mga organizer na ito ay masaya lagi ang lakad, may program sila, may cheering competition, games at beauty pagent. Minsan naiisip ko ang goal talaga nila ay pagurin kami. Lol!

Eto yung game na kailangan magkasya kami sa kakarampot na papel.

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 2

Eto ang game na kailangan i-spell ang “ROAR” gamit ang katawan. Hanapin nyo si Vajarl dyan!Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 3

Eto ang game na kailangan naka-super big smile ka, kahit anong mangyari. Hindi nyo alam kung gaano kahirap yan!

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 4

Nung bandang hapon, may mama na lumapit sa amin. Sabi nya, kung gusto daw namin, i-tu-tour daw nya kami sa iba’t-ibang island na nakapaligid sa Burot Beach, sa halagang P35 each. Sabi namin 3 for P100 na lang. Aba pumayag si kuya!

First stop, Starfish Island.

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 5

May starfish nga, pero walang island. Siguro dahil high tide nang pumunta kami, wala talagang tuyong lupa. Kaya ang siste, para kaming naglalaro sa gitna ng dagat. Nakakatakot! Imaginin mo iniwan kami ni kuya sa gitna ng dagat na napapaligiran ng… dagat!

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 6

Medyo matagal namin inintay si kuya na balikan kami, wala naman kaming ibang mapupuntahan (nasa gitna lang talaga kami ng dagat) kaya ang ginawa namin ay syempre nag-contest. Ang mechanics this time ay kailangan magpose per couples.

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 7

Close up.

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 8

Sus, magpatalo pa ba si Harvey?

Pangalawang island na pinuntahan namin (nung sa wakas ay binalikan na kami ni kuya!) ay walang pangalan. Napakaraming sea urchins and again, walang island. Nakatungtong lang kami sa buhangin tapos napapaligiran na kami ng dagat. Parang nalugi kami sa island hopping na worth 3 for P100.

Nung gabi, syempre uminom! Libre!

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 11

Thank you Maan, Herza and Brother. Thank you September-October-November celebrants!

Roar Theme Octoberfest Beach Camp Party 12

Thank you Ayen and Mae for the pictures.

Advertisements