Human Nature Products: Hit And Miss

Deo, toner, lotion and oil. I'm a Human Nature fan.

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

100% Natural Moisturizing Night Cream with Plant Collagen – Miss. Ordinaryong moisturizer. Walang masyadong pasabog. Ano naman ang moisturizer na may pasabog? ANYWAY! Masyadong heavy as a moisturizer, hindi madaling na-aabsorb ng skin. Feeling ko nakukuha ng mukha ko ang lahat ng alikabot sa bahay kapag gamit ko ito.

Nourishing Face Toner – Miss. Nagka-pimples ako pagkatapos kong gamitin ito ng isang linggo.

Sunflower Beauty Oil – Miss. Hindi ko ma-gets kung para saan ang product na ito. “All around” daw ang oil na ito, so ginamit ko ito sa maraming paraan. Nilagay ko sa mukha… hmmm oily. Nilagay ko sa kili-kili… uncomfortable. Ginamit ko as lotion… again oily. Kaya binigay ko na lang kay Mamita. Natuwa naman si Mamita. Hindi ko lang alam kung saang parte ng katawan nya ginagamit.

100% Natural Smoothing Hair Serum – Miss. Kahit gaano kakonti ang ilagay ko sa buhok ko pagkatapos maligo feeling ko napakalagkit pa din at napaka-oily ng buhok ko. Hindi light feeling na katulad ng ibang hair serum na nasubukan ko na.

Natural Strengthening Shampoo – HIT! Isa sa pinakamagandang shampoo na nasubukan ko, at napakarami ko ng nasubukan. Mabula at malinis na malinis ang anit.

Natural Moisturizing Conditioner – Hit! Makintab sa buhok at super silky smooth. Hindi pa masyadong nakakalugas ng buhok, hindi katulad ng ibang conditioner na kapag binanlawan mo na ang buhok ay feeling mo mauubos na din ang buhok mo dahil sa hair fall. O ako lang yun?

Natural Feminine Wash – Chamomile Fresh at Natural Feminine Wash – Chamomile Cool – Hit pareho. Mas gusto ko ang Chamomile Cool. Ang cool cool ng puke pagkatapos maghugas.

All Natural Spray Sanitizers – Hit. Hindi very drying sa skin katulad ng ibang alcohol base sanitizers.

100% Natural Premium Deodorant – Kinda hit, kinda miss. Deodorant lang kasi, hindi anti-perspirant. Hindi nga umaamoy ang kili-kili pero nakikita ang pawis.

100% Natural Healthy Lotion – Kinda hit, kinda miss. Nakaka-moisturize ng skin ng very very much. Pero medyo gummy ang feeling kapag pinapahid. Yun bang feeling mo nagpapahid ka ng laway sa katawan, pero mabangong laway.

Advertisements