Plans for 2014

Masaya kapag bagong taon. Bukod sa madaming pagkain, feeling ko kasi bago ang lahat. Bago ang kalendaryo, bago ang planner kaya kailangan ng bagong ballpen. Bagong bag na bigay ni Mamita. Bagong blog post. Feeling ko kailangan ko ng bagong buhay. Chararat!

1. Bullet Journaling – Yung mga entry sa journal o notebook o planner ay gagawin mong bullet o entry. Kada entry i-ka-categorize mo kung task, simple note o event. Kada entry pwede mo din lagyan ng notation kung priority, explore or idea.

Alam nyo mas mahirap ipaliwanag kesa gawin. Pakibasa na lang sa http://www.bulletjournal.com/

2. 52 Week Money Challenge – Nakuha ko ang ang idea sa link na binigay ng dati kong ka-opisina. Pero dahil mas kuripot ako, imbes na 50 pesos na increment na nakalay sa blog ni Kuripot Pinay ay 20 pesos incremental lang sa akin. Kung gusto nyo ng Excel version ko, eto: 52 Week Money Challenge.

Challenge talaga ito, so good luck sa akin.

3. Blog More – Nakakamiss din magblog o magblog hopping o yung dating panahon na halos kalahati ng buhay ko ay nasa blogosphere. Pero kahit hindi na ako madalas mag-blog, ini-stalk ko pa din yung mga binabasa ko. Katulad ng..

– Blogger na magpapatattoo sa Sta.Cruz, Laguna sa March 2014.
– Blogger na dating macho image, ngayon.. parang naglalaglag na.
– Blogger na sinet-up ko na makipag-blind date sa isa pang blogger pero hindi sila nagkatuluyan.
– Blogger na nasa ibang bansa na.
– Blogger na umuwi na nasa Pinas ngayon.
– Blogger na may girlfriend, pero may boyfriend din.
– Blogger na buntis.
– Blogger na malandi online, pero ngayon lumalandi na din sa offline.
– Blogger na hindi na namamansin.
– Blogger na kabit.
– Blogger na nagpapakatino na.
– Bloggers na mukhang okay naman ang buhay nila kahit hindi na nagba-blog.

Maraming salamat sa social media sa lahat ng impormasyon ko.

4. Get a new tats – Sana hindi ma-gets ng nanay ko ang ibig sabihin nyan. Yan ay kung nagbabasa pa din nito ang nanay ko. Malalaman ko mamaya kapag minessage nya ako sa Facebook.

5. Lomo Out, Instax In – Gusto ko lang ipamalita na pinagbenta ko na ang lahat ng lomo camera at analog camera ko sa halagang P4,000 dahil bumili ako ng Instax. Sana mas mag-enjoy ako sa Instax.

Yung mga nagsasabi na “2014 is going to be my year!”, tae mo! Ganyan din ang sinabi mo nung 2013.

Advertisements