Kuya Germs

Nakwento ko na ba na sobrang OC sa kalinisan ni Harvey? Alam ko nakwento ko na, pero kung wala dito baka andun sa nasira kong blog.

Anyway.

Nasa call center industry ang trabaho ni Harvey kaya minsan hindi na kami nagkikita kapag dinner. Kaya minsan, habang kumakain mag-isa *sad* nawawala kasi ang mga kutsara at tinidor namin. *confused*

Nag-tweet ako.

Syempre hindi naman yan mababasa ni Harvey kaya tinext ko din sya.

Me: Vey, nasaan ang mga kutsara at tinidor?

Harvey: Nasa ref.

Me: Bakit andun?

Harvey: Para matanggal ang germs.

Me: Weh???!!

Screen_20140103_221926

Advertisements