All the Single Ladies, Now Put Your Hands up!

Kung ikaw ay single sa darating na Valentines..

1. Mag-stock ng beer sa ref. Mas mabuti nang uminom mag-isa kesa mag-isa nang walang ginagawa.

2. Manood ng matinding love story movie, yung may happy ending. Para talagang madama mong nagsosolo ka sa Valentines. Minsan lang ang ganyang pakiramdam (tuwing Valentines lang) kaya sulitin mo na.

3. Huwag kang bumili ng bulaklak tapos ipapadala mo sa sarili mo para kunwari ay may admirer ka na ayaw magpakilala. Kung ganyan ang line of thinking mo, aba iha, kabahan ka.

4. Mag-gym. Maraming single sa gym.

5. Magbasa ng libro na may happy ending. Please see #2.

6. Nung single pa ako, uminom ako kasama ang iba pang single friends sa BBQ Central. Sa Madison ko naramdaman na bukod sa aming apat, ang dami palang single tuwing Valentines. Single and proud. A little consolation for our sorry ass.

7. Kung nasa UPLB ka at B.S. Statistics student, sumali ka ng UPLB STATS (academic organization). Tuwing Valentines, paniguradong may rose and/or balloons ang mga sisses na matatanggap galing sa mga brods. So far, hindi pa sila pumapalya.

8. Sumali sa Single Awareness Day Party. Yep, meron nyan at naka-attend ako nyan.

9. Magsulat ng blog. Nagsimula ang mga blog ko noong single pa ako.

10. If all things fails, you could just cry yourself to death.

Good luck!

Advertisements