This Is Our Song

I Could Not Ask For More. Naalala mo ang kantang ‘to? Makakakuha ako ng isa o dalawa o kahit tatlong pagkakataon noong college na alam kong totoong masaya ako. Thank you for giving me that. Sabi ko dati sa isang friend natin (ewan ko kung nasabi na nya sayo) na hindi ako nagsisisi nung nagkahiwalay tayo kasi naging mas masaya ka ngayon. Sabi ng friend natin ay napaka-impokrita ko. Haha!

My Own Worst Enemy. Paborito mong kanta yan. Kinakanta mo yan kapag lasing ka, kapag malungkot, kahit kapag masaya ka. Noong una, akala ko marami ka lang ka-shit-an sa sarili mo. Yun pala ang dami mong issue: may issue ka sa ex mo, may issue ko sa trabaho mo, sa ka-trabaho mo, sa MRT, sa PSP, sa tambay sa kanto, sa upuan. SA LAHAT. Malamang gawin mo ding issue ito.

Crash and Burn. Sa bilis ng pangyayari, ang naaalala ko ay ang matinding crush. And then burn.

____________?____________. Wala tayong theme song o love song o ano mang ek ek. Hindi ka nagse-celebrate ng Valentines. Which is kinda suck kasi nagda-drama ako tuwing dadating ang Valentines, lalo na kapag single ako kapag lentek na Feb 14 na yan. Hindi naman sa hindi ka sweet, ang dahilan mo lang naman ay ayaw mong ma-traffic. So, fine. Ang mahalaga naman ay nagkakasundo tayo sa kahit anong kanta na gusto natin. Katulad ng Roar (Katy Perry), kinakanta ko habang ginagawan mo ng interpretive dance. Minsan, na-tripan din natin nang bongga ang Good Time (Owl City). O yung ngayong pinagtatawanan mong LSS ko: Haba ng hair, nag-Rejoice ka ba girl?

Nagkasundo din tayo na ayaw ko sa Ginebra.

Advertisements