Layak Paanod Water Tubing Adventure

Kung pupunta sa Davao, huwag na huwag nyong mami-miss kontakin ang Layak Team (Google nyo na lang ang contact details) at mag-water tubing. Ang water tubing ay ilalagay ka sa malaking salbabida, tapos papaagusin ang salbabida sa rumaragasang tubig. Exciting!

Malayo ang water tubing site sa Davao City proper, hello naman kasi saan ka magpapaanod sa tubig sa city. Parang Recto lang ang Davao City less holdapers. You know, Duterte and his kamay na bakal.

Sulit ang byahe papuntang Calinan (1 hour), at super sulit din ang binayad namin na P500 each sa Layak Team para paanurin kami sa ilog.

Background music: Rolling, rolling on the river.

Team 1: Harvey, Cielo and Vajarl

Harvey, Cielo and Vajarl

Yes, Vaj is having a wonderful time! LOL!

Vaj

Team 2: Von and Mean. Ang group na ito ay puro lang pagpapa-cute.

Von and Mean

Von and Mean 2

Pansin nyo? pinapabayaan lang nila yung guide nila basta nakangiti sila sa camera. Pambihira!

Team 3: Maan and Babe (hindi tunay na pangalan, pero dahil Babe ang tawag ni Maan, Babe na din ang tawag namin sa kanya). Ang group na ito ay nilalanggan kahit habang pinapaanod sa ilog. Ang sweet!

Maan and Babe

Team 4: And the best team ever! Josh, Lyzee and ehem, Salbe

Josh, Lyzee and Salbe

Yung ganitong pagkakataon yung bigla akong naniniwala sa dyos at pinapasadyos ko na lang lahat.

Group Picture

Water tubing is a nice experience, sobrang nag-enjoy kami kahit buwis buhay ang peg!

Advertisements