Rak of Aegis Rocks

Noong Sabado, nanood kami ni Harvey ng Rak of Aegis. Yung PETA comedy musical base sa mga kantang pinasikat ng bandang Aegis. Ang ganda! Nanggaling sa trabaho at nagbasketball pa si Harvey (therefore wala syang tulog) pero hindi sya na-bore. Achievement yan!

Naaliw talaga kami sa Rak of Aegis, kahit nakauwi na kami ng bahay pinag-uusapan pa din namin ang plot, kung pano naipilit ang kanta ng Aegis sa mga awkward na eksena, ang mga characters, lalo na si Tolits yung favorite character namin sa play.

Gusto ko sana ikwento dito ang kwento kaya lang ongoing pa ang mga shows ng Rak of Aegis, ayaw kong maging spoiler. Pero hindi ko inaasahan na maging comedy ang musical na yun na may kasama pang social relevance. Katulad ng Starting Over Again – hindi ko inaasahan na ganun ang ending.

Wow ha! Ang deep.

Advertisements