VMV Hypoallergenics: Hit and Miss

Last year, nagkaroon ako ng skin breakout. Biglang nag-inarte ang skin ko. May mga maliit na pimplies na tumubo sa noo at pisngi ko pero hindi naman katulad ng pimples na tumutubo kapag magkakaroon ako ng mens. Naparanoid ako.

Bilang pagiging mahusay na ako, nag-eksperimento ako. Bumili ako ng mga cream at lotion at ointment na kapag pinahid daw sa mukha ay mawawala ang pimples at magiging kutis artista ang peg ko. Lalong dumami ang pimples ko. Mas naparanoid ako.

Hanggang sa nabasa ko sa isang blog ang VMV Hypoallergenics, validated hypoallergenic, randomized, blinded, published and awarded clinical studies since 1979. Whatever that means. Magaganda ang reviews sa mga blog. Dahil naniniwala naman ako sa review ng mga bloggers, kembot ako sa VMV Hypoallergenics Trinoma.

Isang malaking factor kung bakit mas uber pa akong naengganyo bumili ng VMV products ay dahil ang babait ng mga sales lady sa Trinoma branch nila. Pinaliwanag nilang mabuti sa akin (hindi madaling gawin ‘to) kung ano ang effect at usage ng mga product. Eto na ang mga na-try ko.

Hydra Balance Smart Moisturizer for Combination Skin – Okay na skin moisturizer, pero hindi ko masyadong bet kaya binigay ko na lang kay Harvey. Naka-dalawang tube na nito si Harvey.

Hydra Balance Gentle Cream Cleanser for Combination Skin at Spring Cleaning Purifying Facial Wash for Oily Skin – Alam nyo yung feeling kapag naligo gamit ang Dove? Yung parang ikky feeling na may naiiwan sa katawan? Ganun din ang facial wash ng VMV kaya tinigilan ko na. Nakadalawang tube pa ako ng facial wash bago ako nakumbinsi ng VMV na hindi ko type ang facial wash nila. Bumalik na ako sa ever reliable Ponds.

Id Anti-Acne Toner – The best anti-acne toner everrr. Pagkapahid ko pa lang sa pimples ko halos nawala na kinabukasan. It’s a mirakol. Kahit wala na akong pimple ngayon, meron pa din ako nito, just in case umarte uli ang skin ko.

Id Anti-Acne Oil-Free Lotion – Nang matapos na ang era ng pimples ko, syempre kailangan i-#meynteyn kaya ito ang ginagamit ko na moisturizer. Warning lang, amoy ipis ‘to. Yes, opo. Tama po ang nababasa nyo. Amoy ipis. As in cockroach. Yung mabahong insekto na lumilipad sa gabi. Nireklamo ko nga ang amoy sa VMV kasi akala ko expired yung nabili ko. Pero yung sample nila sa store ay amoy ipis din. Ang paliwanag nila, hindi daw kasi nila hinahaluan ng fragrance ang products nila. Yung umpleasant na amoy ay yung active ingredient. Whatever. Tiis ganda.

Id Monolaurin Gel – Hindi ko bet. Hindi ko talaga bet ang napakaraming alcohol content sa skin ko (kahit umiinom ako ng alcohol, pero ibang alcohol yun) kahit gaano pa ka-organic ang alcohol. This is now my hand sanitizer.

So Clear Oil-Absorbing Pressed Powder – Ang haba ng pangalan di ba? Ang haba haba din gamitin! Kalahating taon na sa akin ang pressed powder na itech pero mukhang aabutin pa ng kalahating taon. Bongga!

Nakagamit din ako ng Armada Baby 50+, Armada Face & Body  Shield 60, Re-Everything Eye Serum, Re-Everything Face-Hand-Body Lotion, Illuminants+ Face-Hand-Body Lotion at Essence Skin-Saving Antiperspirant pero tinatamad na mey mag-review-reviewhan.

Advertisements