Shanghai, China

Pumunta ako sa Shanghai, China para dun mag-celebrate ng birthday ko. Jokeee! How I wish! Pumunta talaga ako sa Shanghai para sa training/seminar na walang gustong pumunta kaya ako na lang pinapunta. Jokeee! Baka mabasa ito ng boss ko.

Ang unang apat na araw ko sa Shanghai ay halos nakatira ako sa hotel. Pagkagising, maliligo. Pagkaalmusal, magte-training na sa hotel mismo ang venue. Kain ng tanghain, tapos training uli. Then matatapos ng 8PM, konting landian kay Harvey sa Facebook chat, then tulog na. Repeat for 4 days. Gusto ko nang kalimutan ang apat na araw na yan.

Nung huling araw namin, March 21 (birthday ko), wala akong pinagsabihan sa mga kasama ko sa training. Aba baka magpalibre pa sila! After ng training, balak ng mga colleague ko na mag-tour sa Shanghai office ng company namin. What fuckery is that?! Anong pagkakaiba ng opis namin sa opis sa Shanghai bukod sa puro intsek sila dun? Kaya sabi ko sa mga collegue ko “I’m not feeling well” at pumunta ako sa pinakamalapit na temple at mall.

Buong araw ng Sabado ay libre pa ako (Sunday ng madaling araw ang flight ko pabalik ng Pinas) kaya nag-sign up ako sa group tour. Mas pinili kong mag-sign up sa tour na hindi ko kilala ang kasama kesa sumama sa mga kasama ko sa training. Self explanatory naman siguro kung bakit.

Sa group tour na ito, apat kami. Isang Spanish, isang American, isang Indian, at isang Pinoy. Nag-enjoy ako!

Yu Garden
Yu Garden
Shanghai Confucian Temple
Shanghai Confucian Temple
Tea Ceremony
Tea Ceremony
The Bund, also called the Zhongshan Dongyi Road
The Bund, also called the Zhongshan Dongyi Road
Jade Buddha Temple
Jade Buddha Temple
People's Park, so many people! (Duh!)
People’s Park, so many people! (Duh!)
Shanghai Museum
Shanghai Museum
Old French Concession, there's Sponge Bob!
Old French Concession, there’s Sponge Bob!
Silk Museum
Silk Museum

Pagkatapos ipakita sa amin kung paano ginagawa ang silk, ayun binentahan kami ng silk bedsheets, silk pillows, silk pillowcase, silk dress, silk condom, silk blanket. Joke yung condom.

Advertisements