How Social Network (and Harvey) Killed My Blog

Hindi naman sa ayaw ko na magblog, sa totoo lang namimiss ko mag-update dito. Ang dami nang nangyari na hindi ko na na-idocument dito, pero napopost ko naman sa Instagram. Boohooo. Napaka-time consuming kasi pumindot ng “Add New” post, mag-isip pa ng catchy “Enter title here”. Kung sa Twitter, pwede na ako magtype ng #NowWatching Alagwa and ta-daa! May new update na ako.

Kung fina-follow nyo ako sa Instagram (yes! plugging), para din akong nagbablog dun. May mga kwento ako dun, binabalahura ko pa din si Vajarl, andun ang kalokohan ni Harvey. Promise maaaliw kayo sa Instagram ko, follow nyo ako bilis. Please. #golangnanggo

Isa pa sigurong factor ay medyo kinda whatever naghigpit ang IT namin sa opis. Hindi na ako makapag bloghopping lalo na dun sa binabasa kong may explicit content. Anong babasahin ko mga wholesome blog, ganeern? #kairitamuch Nababasa ko pa naman ang mga not wholesome blog pero sa phone na lang (o ipad kapag may wifi connection). Pero hindi na ako nag-e-effort pa magkoment. Dati na akong tamad magkoment, ngayon pa ba ako magsisipag? #artimuch

Na-promote na din ako sa trabaho. Dati, “copy-paste” lang ang ginagawa ko. Ngayon, “copy-paste special-values-transpose” na ang peg ko. Gashhhh so hirap. Saan ko pa isisingit ang pagbablog sa time ko di ba? I know, right? #left

Hindi na ako ganun kadalas gumimik. Dati kasi, every week may gimik ako kaya madami akong kwento sa blog. Wala na rin yung urge na magpakabaliw para lang may maiblog. Ngayon ang saya saya ko na kapag nasa bahay ako sa Friday night at tahimik na nagbabasa. #yucktumatandanaako

Gusto ko sana bumalik na uli magblog. Nami-miss ko ang mga interaksyon ko sa mga blogger na kulot din mag-isip. Namimiss ko mag koment ng “Nice post!” kahit hindi ko nabasa. Nami-miss ko makipagkulitan sa koment section. Nami-miss ko manlait ng grammar (yabang akala mo naman magaling grumamar). Nami-miss kong makipag-inuman sa mga blogger – promise masaya kasama ang mga blogger lalo na kapag lasing. Nami-miss ko magblog kaya lang may bago na akong hobby – ang magmahal. #BoomPanes

Advertisements