The Hobby: An Unexpected Journey

May kaibigan ako, si Brother (babae). Pareho kaming grumaduate ng BS Statistics sa UPLB, pareho kaming member ng UPLB STATS, dun kami nag-meet. Nung hindi ko pa ka-busy-han, madalas kaming mag-chat ni Brother (babae sya, please huwag natin kalimutan ang mahalagang fact na babae sya). Tuwing mag-cha-chat kami, lagi nyang nasasabi na ayaw na nya sa trabaho nya. Bored na bored na daw sya, gusto nya naman ma-try ang ibang trabaho. Gusto nya maging photograpther, gusto nya tumugtog sa banda, basta gusto nya mag-aral ng ibang gagawin bukod sa Market Research (trabaho nya dati). Hanggang one day, isang araw nabalitaan ko na lang na nag-resign sya at nag-enroll sa TESDA para maging chef.

Galing. [insert slow clap here] Ang lakas lang ng loob ni Brother mag-resign para maging chef.

Pagkatapos nya mag-aral sa TESDA, na-realize nya na hindi pala sya para sa kusina. Ang init init daw sa kusina ng mga restaurant at ang baho nya kapag umuuwi sya. Pagkatapos ng short course nya sa TESDA, pumasok uli sya sa corporate world.

Pero itong si Brother (babae sya), hindi makuntento sa buhay. Gusto pa din nya mag-aral, gusto pa din nya ng may ibang ginagawa bukod sa corporate stuff.

Nung isang inuman namin sabi ni Brother, gusto nya matuto mag-pottery. Like, wtf?! Pottery! Sabi nya yung katulad nung napanood nya sa pelikulang The Ghost.

Nung pumunta kami sa Calaguas at nakapag kwentuhan kami, sabi nya gusto naman nya mag-dress making. Like, wtf?! Dress making shit!

Last week, nakita ko sa Instagram ni Brother na bumili sya ng Ukulele. I guess may bago na naman syang hobby. Congratulations Brother! I’m so happy for you for pursuing your dreamsss!

Kaninang lunch (dito talaga magsisimula ang kwento ko, intro lang yang nasa taas), kinuwento ko sa mga opismate ko ang kwento ni Brother. Kung pano nya ginagawa ang lahat ng maisipan nya (note: naging bassist si Brother ng isang banda). Naaliw sila nang bongga sa kwento ni Brother, nakakainggit nga daw kasi kung pa-fi-fill-up-an si Brother ng form na may tanong na “what is/are your hobby/hobbies?” panigurado maraming mailalagay dun si Brother. Hindi yung lame at pang-tamad na hobby katulad ng watching TV series (me not so guilty), reading books (me kinda guilty) at sleeping (me super guilty). Kaya napaisip ako, kung sasagot ako sa tanong na “what is/are your hobby/hobbies?”, anong isasagot ko?

Sige na nga, magba-blog na lang uli ako.

Harvey, Me, Brother and Lyzeey. Sabi sa inyo, babae si Brother.
Harvey, Me, Brother and Lyzeey. Sabi sa inyo, babae si Brother.
Advertisements