Time Space Warp, Ngayon Din!

Kaninang lunch, dumalaw sa office si Bounce. Ang hirap ipaliwanag ng relationship namin ni Bounce. Nung pumunta kami sa Calaguas, ang pakilala ko kay Bounce sa mga kaibigan ko ay officemate ko si Bounce. Pero hindi. Basta madalas lang kaming magka-work. Pero sa tagal ko nang nakakatrabaho si Bounce (kahit hindi kami officemate), na-build na namin ang rapport sa isa’t-isa. Yes, rapport! Atsaka nakita na akong lasing ni Bounce, kaya hello magkaibigan kami.

Una kaming nag-usap ni Bounce ay thru email. Binigay ko ang personal email ko sa kanya (salbehe at hotmail dot com that time), at nakilala nya agad ako na blogger. Eto palang si Bounce ay lurker sa mga blog, at nagbabasa sya sa blog ko. Medyo nahiya ako ng very very slight pero mabilis naman akong naka-recover.

Anyway.

Sabay nga kaming nag-lunch ni Bounce. Napagkwentuhan namin ang mga blog na binabasa namin dati. Marami pala kaming common na binabasa. Like..

Bounce: Si Lio Loco, yung laging nagmumura.
Me: Nasa ibang bansa na sya.
Bounce: Talaga? Yun yung accountant di ba?
Me: Yep!

Me: Kilala mo si Lababo?
Bounce: Yun ba yung..
Me: … yung puro sex ang kwento.
Bounce: Sarado na ang blog nya di ba?
Me: Yep!

Bounce: Si Duking, madrama lagi ang posts nya.
Me: Yep!

Bounce: Kilala mo yung blogger na super anonymous na kinukwento nya yung mga naging babae nya?
Me: Sheettt. Hindi ko sya kilala!

Me: Kilala mo yung blogger na high end prostitute? Bina-blog nya kung pano sya naging gigolo.
Bounce: Ah hindi..

Two hours kaming nag-lunch!

Nasaan na ang mga blogger na laging umuubos ng oras namin sa internet? Natabunan na din ba sila ng social network?

Buti pa si jojitah, alive and kicking.

Advertisements