Bear With Me, Beer With Us

Last Friday, nagkita kami ni Vaj sa Megamall. May ka-dinner kasi ako malapit sa Megamall at kailangan ko na singilin sa Vaj sa mga pinang-Neopets nya sa credit card ko. Yep, nag-ne-Neopets pa rin si Vaj! Eto ay online game na pang grade 3, row 4. Anyway, nag-DQ ako, si Vaj.. wala akong natandaang kinain nya. Nag-di-diet daw sya. Binalak ko magpakulay ng kilay, si Vaj naman ay balak bumili ng laptop. Kayo na ang umintindi pano kami nagkakasundo ni Vaj, hindi ko din alam.

Hindi ako nakapagpakulay ng kilay, hindi din nakabili si Vaj ng laptop. Na-gets nyo na pano kami nagkakasundo? HA!

Come Wednesday this week, taeng tae na si Vaj bumili ng laptop. Samahan ko daw uli sya sa Megamall, sabi ko busy ako sa trabaho. Nakakadire daw ang trabaho ko. Uhmm, sige.

Eto na… bandang 3PM ng hapon, may nag-text!

 “Tara inum na ngayon na!”

Biglang na-excite ang maselang bahagi ng puso ko.

Tinawagan ko si Vaj, sabi ko nagyaya si Anjong uminom. Walang kagana gana ang life ni Vaj uminom. Busy ako di ba? Nagkataon siguro na nang nag-decide ako magblog uli ay may blogger akong makakainuman? Ewan ko, basta hindi ko pinapalampas ang mga ganitong pagkakataon.

Anjong

Thank you Anjong!

Advertisements