She’s Dating the Gangster

Mahilig kami ni Harvey makinig ng music. Mas lalo si Harvey. Sya pa ang taga download ng mga songs at taga kopya na lang ako. Kahit anong genre patok kay Harvey: rock, rnb, disco, techno, remix, pop, indie, renz verano.

Last month, nawala ang earphone ni Harvey (color white). Syempre aligaga sya. Sanay kasi sya na laging may nakakabit sa tenga nya kapag nasa byahe papuntang opisina, kapag nagjo-jogging o kapag tumatae.

Wala naman ako mapahiram na earphone kasi syempre ginagamit ko din ang earphone ko. So, ang sunod na inuto ni Harvey ay si Essy. Napahiram naman sya ni Essy ng earphone (color black). Pero nagrereklamo pa din si Harvey kasi hindi swakto sa butas ng tenga nya. Ang gusto nya kasing shape ay yung parang nung nawala nyang earphone, “ear bud” yata ang tawag dun.

So kahapon, nasa Great Northern Sale kami sa SM North. Napadaan kami sa Astrovision na may sale ng earphones! Excited si Harvey na maghanap ng earphone na gusto nya. Sakto! Meron nga. Bumili agad si Harvey kahit hindi nya masyadong feel ang color (orange and gray combo).

Kanina, habang nagbibihis, nakapa ni Harvey ang nawala nyang earphone sa bulsa ng short nya na matagal nang nakahanger lang.

image

Tama si Kenji Delos Reyes, timing is really a bitch.

Advertisements