Gusto ko Mag-alaga ng Pusa, Gusto ni Harvey ng Aso

So, mag-aalaga kami ng halaman.

Step 1. Gumawa ng lalagyan ng halaman.

Noong The Great Northern Sale sa SM North, bumili kami ng kahoy (pang bookshelf), braces, turnilyo at basurahan na may takip! Dream come true! Matagal ko na gusto magkaroon ng basurahan na may takip.

IMG_20140729_125552

Yung pagkakabiy ng bookshelf ay pinaubaya ko na kay Harvey. Pero sab nya (sabi nya lang ha? huwag tayong masyadong maniwala) hirap na hirap daw sya magkabit ng braces. Nanghiram pa daw sya ng electrill drill sa maintenance. Tapos, bukod sa wall na semento, yung dingding daw namin ay may bakal na pundasyon pa na mas mahirap i-drill. Basta ang dami nyang dada! Buti  na lang maganda ang kinalabasan ng aming pink wall.

Wall of fame.

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Step 2. Bumili ng halaman.

Noong unang panahon pa man (siguro last month), kapag pumupunta kami ni Vaj sa Megamall at nadadaanan namin ang mga halaman sa kiosk (yung sa gitna, yung madadaanan mo talaga) lagi na akong tumitingin ng halaman dun. Hindi naman ganun kamahalan, pero lagi akong napapaisip na kung sakaling bibili ako ng halaman saan ko naman ilalagay? Kaya ngayong may bookshelves na kami. Gora! Bumili ko ng dalawa: Fortune plant at love plant.

Syempre hindi papahuli si Harvey, inggetero din yan. Nung nag-grocery kami sa SM Novaliches (our fave mall!) bumili sya ng tatlong halaman. Ngauon ay may lima kaming halaman.

PhotoGrid_1406603209595

Ang favorite ni Harvey? Eto:

DSC_0006

Dahil hugis tite.

Advertisements