Tagged by Mommy Kaye and Vajarl

In your status (dahil ang hirap magkwento sa Facebook, sa WordPress na lang), list 10 books that have stayed with you in some way (hindi nawala sa puso ko?). Don’t take more than a few minutes and do not think too hard (yes! ang hirap kaya mag-isip). They do not have to be right books or great works of literature (okayyy). Tag 10 friends including me so I can see your list (nope, matatapos na ito sa akin). Here are mine:

1. If Tomorrow Comes by Sidney Sheldon. First book ni Sidney Sheldon na nabasa ko. May time pa nga na gusto ko sana ang pangalan ko ay Tracy (yung bida sa libro). Kaso may nakilala ako na Tracy ang pangalan na uber bitch, nagbago na ang isip ko. Okay na ang Salbehe.

2. Love Story by Erich Segal. Noong high school ko to nabasa nung pinahiram ni Kuhracha ang xerox copy nya ng libro. Yes, xerox copy – cover to cover. Bandang 2AM, nagising ang nanay ko dahil umiiyak ako, andun na kasi ako sa part na namatay si Jennifer. Opps, spoiler alert.

3. Story of O by O. Move over Fifty Shades of Grey, mas trip ko to. Pero hindi ko natapos ang kwento ni O kasi kinuha na nung may-ari ang libro. Bitin tuloy ako.

4. Then Came Heaven by LaVyrle Spencer. Tungkol ito sa madreng na-inlove sa nabyudong lalake na may dalawang anak. Tatlong beses ko na yata nabasa ito at tuwing matatapos kong basahin ang Then Came Heaven ay iniisip kong magmadre. Then Came Harvey.

5. The Bronze Horseman by Paullina Simons. Ang haba ng libro na ito, like months ko natapos basahin. Pinilit ko matapos basahin ang The Bronze Horseman bago ako pumunta sa China kasi inisip ko baka mag-crash ang plane (at syempre mamatay ako) nang hindi ko alam kung sinong namatay sa mga bida. Walang namatay sa mga bida.

6. Dexter Books by Jeff Lindsay. Dito ko na-feel the joy and pleasure of being a murderer.

7. My Book of Bible Stories by Jehovah’s Witnesses (English and Filipino version). Kaya please wag kayo magtaka kung bakit kilala ko si Noah at ang kanyang yacht.

8. A B N K K B S N P L A Ko?! by Bob Ong. Eto lang ang librong nagustuhan ko kay Bob Ong. Sorry Bob. Close?

9. Young Blood by Philippine Daily Inquirer. Because life happens to all of us. Yung iba nga lang ay mas magaling magsulat ng problema nila at nai-publish pa.

10. Sophie’s World by Jostein Gaarder. Sa Philosophy class noong college, required basahin ito at magpasa ng reaction paper. Hindi ko natapos basahin kaya nag google ako para makagawa ng reaction paper.

Advertisements