Blogging is Dead

Blogging is Dead

Noong unang panahon, sa isang malayong lugar (Makati) ay may isang empleyado (entry level) na maraming panahon at oras para magbabad sa internet. At mula noon ay naimbento ang blogging. Or not.

Then, na-promote sya (obviously ako ito). Sinekreto ko dahil una, ayaw kong manlibre. Pangalawa, feeling ko nabigla ako noong na-promote ako. Hindi pa nagsi-sink in na tanginaaa ang dami kong gagawin kapag promoted ako. Hindi na ako makakapag-blog.

Yan ang unang dahilan.

Then, nag-asawa ako. Hindi naman sa naging seryoso na ako sa buhay, dahil lalong hindi seryoso ang asawa ko. Pero wala na akong kalokohan na iba-blog. Alangan naman ikwento ko ang kalokohan namin sa ka… ma.. stahp.. me.

Then, nasira ang salbehe.com. Like, HUHUHUHU! Ang hirap magsimula uli mga beh. Nakakawalang gana. #deeptruth

Then, nauso ang social media. Ang dami kong nauubos na oras para mag-check ng Facebook, mag-post sa Instagram at mag-rant sa Twitter. Saan ko pa isisingit ang pagba-blog?

Then, I’m sure marami pa akong maiisip na dahilan like nautangan ako ni Yanah (blogger), may nakaaway akong tanga (blogger), may napangakuan akong magdo-donate pero hindi ko natupad kaya nakakahiya magpakita (blogger), mahirap mag-post gamit ang WordPress pero medaling mag-stalk (blogger), naloko (blogger), nagsawa (blogger). Tinamad.

Sana sinapagin na ako ngayon na mag-blog uli. Or not.

 

Advertisements