Jomalig, the Real DIY

Bago kami pumunta sa Jomalig, nabasa namin ang lahat ng DIY trip na nagkalat sa internet. Pero hindi pa din kami na-prepare sa DIY trip namin sa Jomalig. Let me make kwento.

April 28, Friday, 10:15PM
Nagkita kami sa Raymond Bus Terminal sa Legarda dahil sabi sa internet dun daw ang papuntang port na may sakayan papuntang Jomalig. Well, tama ang internet. Infanta via Ungos Port ang sasakyan. Last trip ay 11PM-1AM, walang definite na time. Hindi pwede magpa-reserve ng ticket. First come, first serve basis. Buti na lang maaga kami. Php 198 ang pamasahe sa aircon bus.

April 29, Saturday, 4AM-ish
By this time, may paisa-isa nang bumaba na pasahero pero hindi namin alam san kami bababa kaya nakikiramdam lang kami sa mga kalapit namin na alam namin na papunta din sa Jomalig. Tahimik lang ang driver, at lalong mas tahimik ang kundoktor! So kada tigil ng bus, may magtatanong na pasahero “dito na po ba ang papuntang Jomalig?” kasunod ng tanong ang katahimikan. Nagkakatinginan lang kaming mga pasahero. Hanggang sa tumigil ang bus pero walang bumababa. Tapos sumigaw yung kundoktor, “eto na ang stop papuntang Jomalig”. Halelujah! Nagsasalita pala ang kondukctor.

Ang binabaan namin ay hindi port, bahay na puti lang sya na may malaking garahe sa tapat na may nakaparada na van. Walang ilaw ang garahe pero madami ng tao sa loob ng parking lot.

So sumakay kami ng tricycle papuntang port (Php10 ang isa sa tric). Pagdating namin sa port andun yung bus na sinakyan namin. Tinatae talaga kami ng bus na ito. Sabi nung security guard sa port, hindi daw dun ang sakayan papuntang Jomalig. So sumakay uli kami ng tricycle (Php10 ang isa sa tric) papuntang port na may sakayan papuntang Jomalig, sabi namin sa may palengke dahil yun ang nabasa namin sa internet. Binaba kami ng tricycle sa bahay na puti na may malaking garahe sa tapat na may nakaparada na van. Walang ilaw ang garahe pero madami ng tao sa loob ng parking lot. Shit just got real.

By this time (5AM-ish) may mga kuya at ate na na nagmamando ng tao. May nagtitinda na din ng kape, biscuit atbp. Ang binabaan pala namin ay ang Mercraft Fast Craft.

Here are the reasons why you should NOT ride Mercraft Fast Craft.

1) Mahal. P400 ang pamasahe katulad ng regular na byahe papuntang Jomalig pero hindi pa kasama sa P400 ang meal. May additional Php70 kung ayaw mo mamatay sa gutom at uhaw.

2) Matagal. Ang sabi nila 3-4 hrs lang ang travel time papunta sa Jomalig, totoo naman yun. Inabot lang kami ng 3.5 hours, yung regular na bangka ay inaabot daw ng 5-6 hours (again sabi sa internet). Pero ang nakaka-asar sa Mercraft Fast Craft ay iniintay nila ang lahat ng nagpa-reserve na sa kanila. Again, let me make kwento.

5:30AM-ish, nakabayad na kami ng P400 each, nakapirma na sa manifesto at naka-akyat na sa Mercraft. Gutom na kami pero pag-andar na daw ihahain ang binayaran naming pagkain. Finnnee. Natulog na lang kami.

7:30AM-ish hindi pa din kami nakaka-alis dahil may hindi pa dumadating na nakapagpa-reserve na. 180 people ang nakapagpa-reserve at inintay namin silang lahat. Yung isa namin kasama na nakasakay sa regular na byahe papuntang Jomalig (yung nasa palengke) ay umalis ang boat ng 6AM. Nung finally dumating ang mga iniintay, nakangiti pa ang mga latecomers, walang ka-remorse remorse na pinaghintay nila kami ng 2hrs.

Nakita ko ito sa Mercraft Fast Craft Facebook Page and I just lol-ed.

Mercraft
Warning! It’s a trap!

Side note: Double deck ang Mercraft, pero ang mga nakapagpa-reserve sa taas nakaupo, yung mga walk-ins katulad namin sa baba pinaupo kahit mas maaga kami sa mga nakapagpa-reserve. Think of first class yung nasa taas at economy ang nasa ibaba kahit pareho lang ang bayad.

3) Maraming pa-star sa Mercraft. Isa na dito si Randy na naka-floral shirt. He introduced himself as the tour organizer. Kung may kailangan daw kami lapit lang kami sa kanya. Ganyang keme. Sabi din ni Randy na mag-ready kami ng P180 para sa environmental fee na babayaran pagdating ng Jomalig. Pero para daw hindi na kami mahirapan sa kanya na lang kami magbayad. Finnnee. Nagbayad kami sa kanya ng P180. Fyi, sabi sa internet P170 lang ang environmental fee. Hmmmkei, baka binago na.

11:00-ish dumating na kami sa Jomalig. Tanaw na namin ang port pero hindi pa kami makababa dahil si Randy at isang pa-star na Ate ay nag-aaway pa. Si Randy kasi pinapababa na si Ate dahil ang Mercraft ay pupunta pa sa kabilang port eh yung port na yun ang gustong puntahan ni Ate. Sabi ni Randy hindi daw dun pwede bumaba si Ate dahil yung group lang ni Randy ang pwede bumaba dun at si Ate ay hindi ka-group ni Randy. MAYGAWD! Mga 30 minutes sila nagdi-discuss sa gitna ng Mercraft habang nakikinig kaming lahat. Kaya pagsabi ng bangkero na bumaba na ang gustong bumaba, bumaba na kami kahit hindi namin alam kung tama ba ang port na bababaan namin.

Dahil low tide pagdating namin sa port, sumakay pa kami ng mas maliit na bangka. Php10 ang bayad kahit sabi ni Randy ay kasama na yun sa bayad namin sa kanya na Php180. Alis na alis na talaga sa Mercraft kaya sige nagbayad na kami ng P10 each. Never again, Mercraft.

Pagbaba, hinarang kami ng tourism officer para sa environmental fee. Sabi namin nagbayad na kami kay Randy. Nasaan si Randy? Naiwan sa Mercraft. Ang galing talaga ano po. Kaya inintay namin si Randy para makalusot kami sa tourism officer. Nalaman din namin na may cut pala si Randy sa bayad namin sa kanya. Kaya pala very enthusiastic si Randy maningil!

Kailangan namin maghabal-habal papunta sa Banana Resort, buti na lang madiskarte si Harvey kaya madali kaming nakakuha ng motor. P70 each ang bayad sa habal habal.

1:00PM-ish na kami nakarating sa Banana Resort. Tanda nyo yung kasama namin na nakasakay sa regular boat papuntang Jomalig? Pagdating namin sa resort, nakapag pitch na sya ng tent at nakapagluto na ng adobo. Ganun kabagal ang Mercraft Fast Craft.

Hindi nagfa-facebook ang may-ari ng Banana Resort kaya kailangan nyo sya tawagan. Kailangan nyo i-confirm na dadating kayo, constant update kung pwede dahil surprise surprise wala din sila systema sa resort. Nakapagpa-reserve kami ng cottage 3 weeks ago pero pagdating namin wala daw kami reservation. Buti na lang mababait ang mga tao sa Banana Resort kaya pinagpitch na lang kami ng tent. Hindi namin magawang magalit sa kanila dahil nasabi ko na bang mababait sila? Hindi katulad nung nasa Mercraft, asar talaga. Lahat na lang ng abala inembento ng mga taga-Mercraft.

Maganda pati ang place ng Banana resort. Andun sa beach area nila ang sandbar.

April 30, Sunday
Walang eksaktong oras ang trip pabalik sa Real, Quezon. Yung 8AM na trip dumating ang boat ng 10AM. Yung after lunch na byahe, walang eksaktong oras nagulat kami 1PM pala yun. Buti na lang ready na kami.

P400 ang bayad sa regular passenger boat, kasama ang meal. 4.5hours ang byahe.

To Mercraft Fast Craft: Please impose a rule on your confirmed passenger. Lakas po makainit ng ulo ang mag-intay ng 2 hours para lang sa latecomers.

To Randy of Mercraft: If you introduced yourself as tour guide, pangatawanan mo beshie. Inabala mo kami nang bonggang jabongga.

To the municipal officers of Jomalig: You have a beautiful island that has a potential to become the hottest tourist destination (think of Calaguas). Sana po ayusin nyo ang sistema dyan. Sana po sa isang port na lang talaga ang babaan ng tao at huwag na kayo magpa-special treatment sa iba para patas lahat. Sana din po may regular at posted ETA at ETD ang mga passenger boat. Kadalasan po kasi nanghuhula ang mga taga-roon kung anong oras ang trip.

To Banana resort: Thank you for accommodating us!

Sa lahat ng abalang ito, babalik pa ba kami sa Jomalig? ABA SYEMPRE!

Jomalig is not just a hype. Maganda talaga dun beshie. 📷by @ahyorn #NOFILTER

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Ka-level ng #calaguas at #nacpan

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Mandatory back shot facing the settings sun while nakataas ang kamay

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

📷: @ahyorn 📸: andros

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Advertisements