Dear Me: Letter to My 16-Year-Old Self

Dear Me,

Wow! Mag-fo-forty ka na. Akalain mo yun? Makakarating ka ng almost 40 years old na may sariling bahay, kotse, trabaho at may asawa. Yang crush mo sa high school? Hindi kayo magkakatuluyan, ni hindi ka nga nya liligawan kaya wag kang ilusyunada, gaga. Pero wag kang mag-alala dahil makikita mo uli sya sa Facebook 20++ years later at.. ok ok, tama na ang spoiler.

First of all, hindi ka na tatangkad. Yang height mo na 4’11 ay height mo na forever. Yang size 5 mo na paa ay yan na ang shoe size mo forever. Sa ngayon hindi ka naniniwala sa forever, pero may mga bagay na ngayon pa lang ay kailangan mo ng tanggapin na may forever.

Makakapasok ka sa dream school mo, but that’s no surprise. Alam natin na matalino ka. Yang apat na taon sa university? 3% lang nyan ang magagamit mo sa trabaho. Sayang ang pagpupuyat mo pero sige lang kailangan yan para pumasa. Pumasok ka ng student organization, mag-eenjoy ka sure na sure ako. Mame-meet mo ang mga taong hanggang sa pagtanda mo ay kaibigan mo pa din. Ang dami mong matututunan na useful sa “real” world, like there is no such thing as “free coffee”.

Ang dami kong masasabi tungkol sa pag-ibig! Pero wala ng thrill kung idedetalye ko pa lahat. Basta tandaan mo na okay lang maging tanga. Wala eh, you fall in love much too easily and for all the wrong reasons. Pero balang araw pagtatawanan mo na lang yang mga katangahan mo like may time na manliligaw ka HAHA.

May sisikat na kanta si Rihanna na may lyrics na we found love in a hopeless place. Wala lang nasabi ko lang. Lagi kang sumama sa inuman kapag niyaya ka ni Roi. Wala lang din nasabi ko lang din.

Iwasan ang McCafe Coffee Float kahit na less ice. Hindi nakakabawas ng sugar ang less ice. Tandaan mo, diabetic si Mamita. Magsasayang ka lang ng pera sa yoga, hindi naman nakakapagpalaki ng dyoga.

Lots of love,

Me

P. S. Kapag may pagkakataon kang mag-threesome, grab it! Don’t ever pass the opportunity. Yan lang ang tanging regret mo na hindi mo nagawa noong single ka pa.

P. P. S. 2020 is a shit year. Brace for it!

One thought on “Dear Me: Letter to My 16-Year-Old Self

Comments are closed.