About

Ang blog na ito ay kuripot sa comment.
Pero hindi madamot sa pagmamahal.
______________

Ang Salbe ay nagmula sa pangalang Salve. Salve ang ipinangalan sa akin bilang pagpupugay sa Nuestra Señora de Salvacion na Patroness of the Diocese of Legazpi, Albay. Napaka-holy ng etymology ng pangalan ko kaya kahit hindi bagay sa akin, sana may konting paggalang naman.

Ang Salbe, kapag kinabitan mo ng “he” ay naging Salbehe. Ang “he” ay dahil mahilig akong tumawa. He he he!

Wag mo damdamin ang mga bagay dahil ang mga bagay ay walang damdamin… #bencabmuseum #artyspantsy #wordsofwisdom

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Ipinanganak ako noong.. matagal na panahon na. Nag-aral sa Los Banos. Kasalukuyang nagtatrabaho sa Mandaluyong bilang Analyst slash aliping sagigilid. Naniniwala akong hindi importante ang relihiyon sa buhay. Araw araw akong natutulog nang hindi nagdadasal, araw araw pa din naman akong nagigising. Thank you Father God!

Hindi ako bumoboto. Pero katulad ng milyong milyong mangagagwang Pilipino, matapat akong nagbabayad ng buwis (no choice). Kaya huwag kayong ano dyan kapag nagrereklamo ako sa punyetang gobyerno natin.

Marami akong hobby. Mahilig ako magbasa (pirated ebooks), manood ng movies (torrent) at mag-jogging (joke!). Nag-ta-tarot card reading din ako. Please contact me for private reading. 0998-562-1559

I’m married!  [Insert maligalig na tawa here]

Achieve? (Yes/No) #bohol #familyvacation #travelph #wheninbohol #tarsier

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on