The Sweetest Thing

May pagkakataon ba kayo sa buhay nyo na sa sobrang wala kayong magawa ay sinaktan nyo na lang ang sarili nyo?

Let me make kwento.

Noong Sabado, wala talaga akong magawa. As in wala. Walang lakad, walang gala, walang inom. Wala. Last last weekend, pumunta na ako sa dentista para magpalinis ng ngipin para lang din may magawa.

Guys, mahirap gumawa ng wala.

So nung Sabado nga, naisipan kong pumunta ng Dermatologist. Pina-check ko na kay Harvey kung covered ng Maxicare ang ospital na malapit sa amin, covered naman. Nagkaka-pimple breakout ako paminsan minsan kasi nagta-try ako ng kung ano ano sa mukha. Last na na-try ko ang Maybelline Super BB Cream. Super sya maka-pimples, wag kayong magtiwala sa mga review na nagsasabi na maganda yang product na yan.

Anyway, may tatlong active pimples ako. Active meaning mapula, matambok at nakaka-agaw ng atensyon na pimples. Gusto kong ipatingin tutal wala naman akong gagawin.

Pumunta ako sa ospital, nagpa-verify ng HMO sa third floor, pagkatapos ay naghintay sa labas ng room ni Dra. Pagpasok sa room, kinuha ang form ko, pinag-register, kinuhanan ng picture pagkatapos ay ininterview na ako ni Dra. Pinakwento ni Dra ano ang skin regimen ko sa umaga at gabi, kinuwento ko naman. Sabi ni Dra okay naman ang skin regimen ko kailangan ko lang dagdagan ng glycolic acid sa umaga at Benzac spot treatment para tuluyan nang mawala ang pimples ko. Syempre yes lang ako! Okidokidoc!

Pinansin nya ang tatlong pimples ko. Kapansin-pansin naman talaga. Sabi ni Dra kailangan daw i-treat para kinabukasan hindi ko na makikita kailanman. Yes na yes! Go go push!

Nilabas na ni Dra ang gamot at inilay sa syringe.

Syringe?

What. The. Fuck?

Me: Tuturukan nyo po ng gamot ang pimples ko?

Bakit ba ako nagtatanong ng obvious na?

Dra: Oo, tatlong pimples lang naman.

Noooooo!

Me: Masakit po ba yan?

Again, stating the obvious.

Dra: Oo.

Hindi nagbibiro si Dra. MASAKIT NGA. Mas masakit pa kahit pagsamasamahin pa ang lahat ng sakit na naramdaman ko physically isama pa ang sakit emotionally. Napaluha ako bes. Napaiyak ako bes.

Moral of the story: mas masayang gumawa ng wala.

Advertisements

Jomalig, the Real DIY

Bago kami pumunta sa Jomalig, nabasa namin ang lahat ng DIY trip na nagkalat sa internet. Pero hindi pa din kami na-prepare sa DIY trip namin sa Jomalig. Let me make kwento.

April 28, Friday, 10:15PM
Nagkita kami sa Raymond Bus Terminal sa Legarda dahil sabi sa internet dun daw ang papuntang port na may sakayan papuntang Jomalig. Well, tama ang internet. Infanta via Ungos Port ang sasakyan. Last trip ay 11PM-1AM, walang definite na time. Hindi pwede magpa-reserve ng ticket. First come, first serve basis. Buti na lang maaga kami. Php 198 ang pamasahe sa aircon bus.

April 29, Saturday, 4AM-ish
By this time, may paisa-isa nang bumaba na pasahero pero hindi namin alam san kami bababa kaya nakikiramdam lang kami sa mga kalapit namin na alam namin na papunta din sa Jomalig. Tahimik lang ang driver, at lalong mas tahimik ang kundoktor! So kada tigil ng bus, may magtatanong na pasahero “dito na po ba ang papuntang Jomalig?” kasunod ng tanong ang katahimikan. Nagkakatinginan lang kaming mga pasahero. Hanggang sa tumigil ang bus pero walang bumababa. Tapos sumigaw yung kundoktor, “eto na ang stop papuntang Jomalig”. Halelujah! Nagsasalita pala ang kondukctor.

Ang binabaan namin ay hindi port, bahay na puti lang sya na may malaking garahe sa tapat na may nakaparada na van. Walang ilaw ang garahe pero madami ng tao sa loob ng parking lot.

So sumakay kami ng tricycle papuntang port (Php10 ang isa sa tric). Pagdating namin sa port andun yung bus na sinakyan namin. Tinatae talaga kami ng bus na ito. Sabi nung security guard sa port, hindi daw dun ang sakayan papuntang Jomalig. So sumakay uli kami ng tricycle (Php10 ang isa sa tric) papuntang port na may sakayan papuntang Jomalig, sabi namin sa may palengke dahil yun ang nabasa namin sa internet. Binaba kami ng tricycle sa bahay na puti na may malaking garahe sa tapat na may nakaparada na van. Walang ilaw ang garahe pero madami ng tao sa loob ng parking lot. Shit just got real.

By this time (5AM-ish) may mga kuya at ate na na nagmamando ng tao. May nagtitinda na din ng kape, biscuit atbp. Ang binabaan pala namin ay ang Mercraft Fast Craft.

Here are the reasons why you should NOT ride Mercraft Fast Craft.

1) Mahal. P400 ang pamasahe katulad ng regular na byahe papuntang Jomalig pero hindi pa kasama sa P400 ang meal. May additional Php70 kung ayaw mo mamatay sa gutom at uhaw.

2) Matagal. Ang sabi nila 3-4 hrs lang ang travel time papunta sa Jomalig, totoo naman yun. Inabot lang kami ng 3.5 hours, yung regular na bangka ay inaabot daw ng 5-6 hours (again sabi sa internet). Pero ang nakaka-asar sa Mercraft Fast Craft ay iniintay nila ang lahat ng nagpa-reserve na sa kanila. Again, let me make kwento.

5:30AM-ish, nakabayad na kami ng P400 each, nakapirma na sa manifesto at naka-akyat na sa Mercraft. Gutom na kami pero pag-andar na daw ihahain ang binayaran naming pagkain. Finnnee. Natulog na lang kami.

7:30AM-ish hindi pa din kami nakaka-alis dahil may hindi pa dumadating na nakapagpa-reserve na. 180 people ang nakapagpa-reserve at inintay namin silang lahat. Yung isa namin kasama na nakasakay sa regular na byahe papuntang Jomalig (yung nasa palengke) ay umalis ang boat ng 6AM. Nung finally dumating ang mga iniintay, nakangiti pa ang mga latecomers, walang ka-remorse remorse na pinaghintay nila kami ng 2hrs.

Nakita ko ito sa Mercraft Fast Craft Facebook Page and I just lol-ed.

Mercraft

Warning! It’s a trap!

Side note: Double deck ang Mercraft, pero ang mga nakapagpa-reserve sa taas nakaupo, yung mga walk-ins katulad namin sa baba pinaupo kahit mas maaga kami sa mga nakapagpa-reserve. Think of first class yung nasa taas at economy ang nasa ibaba kahit pareho lang ang bayad.

3) Maraming pa-star sa Mercraft. Isa na dito si Randy na naka-floral shirt. He introduced himself as the tour organizer. Kung may kailangan daw kami lapit lang kami sa kanya. Ganyang keme. Sabi din ni Randy na mag-ready kami ng P180 para sa environmental fee na babayaran pagdating ng Jomalig. Pero para daw hindi na kami mahirapan sa kanya na lang kami magbayad. Finnnee. Nagbayad kami sa kanya ng P180. Fyi, sabi sa internet P170 lang ang environmental fee. Hmmmkei, baka binago na.

11:00-ish dumating na kami sa Jomalig. Tanaw na namin ang port pero hindi pa kami makababa dahil si Randy at isang pa-star na Ate ay nag-aaway pa. Si Randy kasi pinapababa na si Ate dahil ang Mercraft ay pupunta pa sa kabilang port eh yung port na yun ang gustong puntahan ni Ate. Sabi ni Randy hindi daw dun pwede bumaba si Ate dahil yung group lang ni Randy ang pwede bumaba dun at si Ate ay hindi ka-group ni Randy. MAYGAWD! Mga 30 minutes sila nagdi-discuss sa gitna ng Mercraft habang nakikinig kaming lahat. Kaya pagsabi ng bangkero na bumaba na ang gustong bumaba, bumaba na kami kahit hindi namin alam kung tama ba ang port na bababaan namin.

Dahil low tide pagdating namin sa port, sumakay pa kami ng mas maliit na bangka. Php10 ang bayad kahit sabi ni Randy ay kasama na yun sa bayad namin sa kanya na Php180. Alis na alis na talaga sa Mercraft kaya sige nagbayad na kami ng P10 each. Never again, Mercraft.

Pagbaba, hinarang kami ng tourism officer para sa environmental fee. Sabi namin nagbayad na kami kay Randy. Nasaan si Randy? Naiwan sa Mercraft. Ang galing talaga ano po. Kaya inintay namin si Randy para makalusot kami sa tourism officer. Nalaman din namin na may cut pala si Randy sa bayad namin sa kanya. Kaya pala very enthusiastic si Randy maningil!

Kailangan namin maghabal-habal papunta sa Banana Resort, buti na lang madiskarte si Harvey kaya madali kaming nakakuha ng motor. P70 each ang bayad sa habal habal.

1:00PM-ish na kami nakarating sa Banana Resort. Tanda nyo yung kasama namin na nakasakay sa regular boat papuntang Jomalig? Pagdating namin sa resort, nakapag pitch na sya ng tent at nakapagluto na ng adobo. Ganun kabagal ang Mercraft Fast Craft.

Hindi nagfa-facebook ang may-ari ng Banana Resort kaya kailangan nyo sya tawagan. Kailangan nyo i-confirm na dadating kayo, constant update kung pwede dahil surprise surprise wala din sila systema sa resort. Nakapagpa-reserve kami ng cottage 3 weeks ago pero pagdating namin wala daw kami reservation. Buti na lang mababait ang mga tao sa Banana Resort kaya pinagpitch na lang kami ng tent. Hindi namin magawang magalit sa kanila dahil nasabi ko na bang mababait sila? Hindi katulad nung nasa Mercraft, asar talaga. Lahat na lang ng abala inembento ng mga taga-Mercraft.

Maganda pati ang place ng Banana resort. Andun sa beach area nila ang sandbar.

April 30, Sunday
Walang eksaktong oras ang trip pabalik sa Real, Quezon. Yung 8AM na trip dumating ang boat ng 10AM. Yung after lunch na byahe, walang eksaktong oras nagulat kami 1PM pala yun. Buti na lang ready na kami.

P400 ang bayad sa regular passenger boat, kasama ang meal. 4.5hours ang byahe.

To Mercraft Fast Craft: Please impose a rule on your confirmed passenger. Lakas po makainit ng ulo ang mag-intay ng 2 hours para lang sa latecomers.

To Randy of Mercraft: If you introduced yourself as tour guide, pangatawanan mo beshie. Inabala mo kami nang bonggang jabongga.

To the municipal officers of Jomalig: You have a beautiful island that has a potential to become the hottest tourist destination (think of Calaguas). Sana po ayusin nyo ang sistema dyan. Sana po sa isang port na lang talaga ang babaan ng tao at huwag na kayo magpa-special treatment sa iba para patas lahat. Sana din po may regular at posted ETA at ETD ang mga passenger boat. Kadalasan po kasi nanghuhula ang mga taga-roon kung anong oras ang trip.

To Banana resort: Thank you for accommodating us!

Sa lahat ng abalang ito, babalik pa ba kami sa Jomalig? ABA SYEMPRE!

Jomalig is not just a hype. Maganda talaga dun beshie. 📷by @ahyorn #NOFILTER

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Ka-level ng #calaguas at #nacpan

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Mandatory back shot facing the settings sun while nakataas ang kamay

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

📷: @ahyorn 📸: andros

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Money Diaries Because Why Not

Inspiration from here, here and here.

Occupation: Senior Marketing Analyst
Industry: BPO
Age: 35
Location: Work at Shaw, Madaluyong. Home at Novaliches, Quezon City.
Salary: Undisclosed, this is not an anonymous post katulad ng sa Refinery29
Living arrangement: Nakatira kami ni Harvey sa studio type condo. May aircon, flat tv, mini ref at water heater pero walang sala at kusina. Think of Sogo room na walang salamin sa kisame. Approximately 5 steps ang kama papuntang banyo.

Monthly bills:
Pagibig Mortgage – Php 3800++, hati kami ni Harvey
Utilities (Meralco, water bill and condo dues) – Php 1500-3000, hati kami ni Harvey

Subscriptions:
Spotify Family – Php194 per month, for me + Harvey + 4 friends
Phone bill – Plan 1799
Sky Cable – Php499 na si Harvey ang nagbabayad, kaya wala akong karapatan sa TV lalo na kapag may laro ang Ginebra

Other monthly expenses:
Travel Fund – I try(!) to allocate Php3000 per month
Emergency Fund – Php3000, pinakamahirap i-maintain. Halimbawa last month bumili ako ng luggage dahil may luggage sale. It’s an emergency! Minsan lang kasi magkaroon ng luggage sale.
Investment (UITF)
Insurance
Monthly gift to Mamita and Papito
Credit card

Wednesday, March 22

5:40AM – Sumakay ng tric (P20) papuntang terminal ng Fx, sampung piso lang ang isa pero dahil nagmamadali ako binayaran ko na ang kulang na pasahero para hindi na maghintay si Manong driver ng pasahero. Sumakay ng Fx (P25) papuntang MRT. Sumakay ng MRT (P20) papuntang Shaw station, nilakad ko lang ang office.

6:47AM – Dumating sa office, nag-login, nag-check ng email (walang pending), nag-check ng blog (nakita ko ang Money Diaries). Lumabas para kumain ng almusal – adobo at half rice (P59). Naisip ko na deserve ko mag-Iced Coffee ng Mcdo (P50) dahil birthday ko kahapon.

12:26PM – Bumili ako ng shark’s fin sa Pao Tsin, steamed, no rice (P42) at Creamcheese Waffle sa Belgian Waffles (P45)

4:17PM – Nag-out sa office, sumakay ng MRT papuntang Trinoma (P20). Bumili ako ng Modess Ultra-thin regular wing cottony soft cover (P72.45), Carefree pantyliner (P23.95) at Nestle 6 Pack Yogurt (P178). Sumakay ng Fx diretso na sa bahay (P40).

6:00PM – May libreng dinner yey!!! Naghanda sina Alan at Xen (kaibigan namin ni Harvey) dahil birthday ko kahapon! May carbonara, Andoks (manok at baboy), cake at Coke. (P0)

7:00PM – May himingi ng donation para sa basketball liga ngayong dadating na summer, binigyan ko ng P300. Nagbigay ako Harvey ng P100 para sa ambag ko sa laundry this week.

Total for Day 1: Php 995

Thursday, 23 March

5:48AM – The usual route papuntang office, pero this time nagbayad ako ng P38 para sa special trip dahil wala akong kasabay. Badtrip. Fx (P25), MRT (P20).

6:59AM – Buzzerbeater!!! Nag-almusal muna bago mag-trabaho – sisig with half rice (P59) at Oishi’s Choco Chug (P25)

12:20PM – Lunch is Potato Fries mega (P80) and a cookie (P10).

4:10PM – Nag-logout, nag-MRT papuntang Trinoma (P20). Umikot nang konti sa Landmark dahil maaga pa para umuwi. Naisip ko na kailangan ko ng bimpo (face towel) kaya bumili ako (P39.75). Bumili ako ng French toast sa French Baker (P20), kinain ko habang papunta ng terminal ng Fx.

5:30PM – Pagsakay ko ng Fx wala daw pansukli si kuya (eto yung kuya na naniningil ng pamasahe sa terminal) sa P1000 ko kaya pinababa nya ako ng Fx. Gusto kong sumabog sa galit! Gusto kong manuntok! Gusto kong magwala! Pero kalmado akong bumaba. Nagtanong ako sa Fruitas kung may panukli sya sa P1000, wala. Nagtanong ako sa mga kuya na nagmamando ng ibang van sa terminal, waley silang barya sa P1000. Soooo bumalik ako sa Trinoma para bumili ng something para mabaryahan ang P1000 ko. Bumili ako ng chicharon bulaklak sa Lapid’s (P115). Pagsakay ko uli ng Fx inabot ko kay kuya (the same kuya na nagpababa sa akin) ang P500 kahit may saktong P40 na ako dahil naiinis ako sa kanya.

6:30PM – Ang dinner ko ay apat na siomai at half rice (si Harvey ang nagbayad) plus chicharon bulaklak. Kinain ko din ang yogurt na binili ko kahapon. (P0)

Total for Day 2: Php 492

Friday, 24 March

6:05AM – Late na ako nakaalis sa bahay dahil SWEAR!!! hindi nag-alam ang phone ko. The usual route – tric special trip (P38), Fx (P25), MRT (P20).

7:08AM na ako nakarating sa office HUHUHU! Nag-almusal ako ng bistek + half rice (P59) at Mcdo Iced Coffee vanilla less ice (P50).

9:34AM – Friday is usually happy Friday in the office (meaning: walang ginagawa) kaya nag-browse ako ng Smart website. Alam ko kasi magrerecontract na ako ng plan sa May, iniisip ko kung magpapalit ako ng phone o magpapalit na lang ng plan. Nakita ako na may Loyalty points ako na pwedeng pambayad sa Bill! I converted 681 points to pay my bill! (-P681, YEY!)

12:20PM – Lunch!!! McDo fish n fries with regular Coke less ice (P150). Maka-“less ice” ako akala mo naman nakakabawas ng calorie ang ice.

4:15PM – Happy weekend na! Pagsakay ko ng MRT (P20) feel na feel ko ang summer bes. Kaya pagbaba, bumili ako ng watermelon shake sa Fruit Magic (P55). Dumaan din ako sa grocery para bumili ng Celeteque Hydration Facial Wash (P299.75). Pagdating sa terminal ng Fx inabot ko kay Kuya ang 500 kahit may smaller bills ako. Yes, this is the same kuya na nagpababa sa akin. Yes, naiinis pa din ako sa kanya. (P40 ang pamasahe)

6:30PM – Dinner is chicken feet (cooked Chinese style) and half rice. Si Harvey ang nagbayad. Kinain ko din ang yogurt na binili ko nung isang araw. (P0)

Total for Day 3: Php 76!!! (dahil may rebate)

Saturday, 25 March

9:00AM – Maaga kaming gumising kasi susunduin kami ng kapatid ni Harvey para sabay kami umuwi sa San Pedro, Laguna. Bago umalis nag-almusal kami ng hotdog, scrambled egg, tuyo at sinangag. Si Harvey ang nagbayad. (P0)

11:00AM – Nag-ambag ako ng P100 sa toll fee.

12:30PM – Lunch kina Harvey! Porkchop adobo, kanin at malamig na Coke. (P0)

2:00PM – Nagba-browse ako ng Instagram and I discovered #cinemagraph. I downloaded Lumyer and paid P99 to remove the watermark. Totally worth it! Now I can do this:

Trying #cinemagraph #cinematography #livephoto

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

6:00PM – Nag-celebrate kami ng birthday ng favorite Auntie ni Harvey. Bumili si Harvey sa Ambers – spaghetti, pichi-pichi at unlimited BBQ. Nag-ambag ako ng P500.

9:00PM – Bumalik na kami sa Quezon City. Ako ang nagbayad ng toll fee (P140)

Total for Day 4: Php 839

Sunday, March 26

11:00AM na ako nagising YEY!!! Naligo pagkatapos ay pumunta kami (Harvey, Xen at Alan) sa Waltermart Munoz para sa aming monthly grocery. Si Alan ang nagbayad ng taxi. (P0)

12:30PM – Pagdating namin sa Waltermart, nalaman ko na kumain na pala ang mga kasama ko ng almusal kaya diretso na kami sa grocery. Medyo nagutom ako kasi wala pa akong almusal kaya lumabas muna kami ni Harvey para kumain ng mga free taste (Oishi fish cracker at Pocari Sweat na lasang sweat) habang nag-go-grocery sina Xen at Alan. Dahil medyo kinda slightly bitin ang free taste, bumili si Harvey ng binatog at buko juice (si Harvey ang nagbayad). Pagbalik sa grocery bumili kami ng Colgate Toothbrush Slim Soft 2 + 1 pack (P98), Milo Chocodrink with Actigen E 22 gram 12 pcs (P69.75), Potato Fries Chip Cheese 50 gram (P10.75), Muncher Greenpeas 70 gram (P10.50), Moby Chip Creampuffs 60 gram (P10), Yakult 5 pcs pack (P40), Active Salt Body Scrub Milk (P100), Biogenic Alcohol (P77), Zesto Juice Dalandan 1.2 liters (P53.50), plastic bag (P2), Brazo de Mercedez buy one take one (P100). Total ng grocery ay P571.50. Ako ang nagbayad, nagbigay si Harvey ng P200 na ambag. (Total grocery spent: P371.50)

2:00PM – Finally lunch! KFC rice bowl, nilibre ako ni Harvey. Dapat pala ang title nito ay Money Diaries: Thank God for Harvey. (P0)

3:00PM – Nagtaxi kami pauwi, si Alan ang nagbayad. (P0)

4:00PM – Pag-uwi, nag-basketball si Harvey, nagabasa ako ng ebook.

7:00PM – Nagpa-canton si Alan! Libreeee. (P0)

Total for Day 5: Php 472

Monday, March 27

5:45AM – Manic Monday! Same route at pamasahe papuntang office (tatlong sakay, P83).

6:55AM – Nag-almusal ng sisig at half rice (P60) at Oishi Coffee Choco sa All Day (P22)

12:14PM – Lunch is California Maki 8-pcs sa Tokyo Tokyo (P100)

4:38PM na ako naka-uwi kasi napasarap kami ng kwentuhan ng officemate ko. Alangan naman layasan ko sya nang nasa kalagitnaan sya ng kwento. MRT (P20)

5:30PM – Naisip kong tumataba na ako kaya hindi na ako mag-ri-rice sa gabi. Kaya pagdaan ko sa Trinoma bumili ako ng dinner – Jamaican Pattie (P55) at Blueberry danish sa French Baker (P66).

6:15PM – Ayan na, nakita ko na naman si Kuya na nagpababa sa akin noong isang linggo. Nag-abot ako ng 500 bill kahit may saktong P40 pesos ako. Gusto ko mainis din sya sa akin, para the feeling is mutual. (P40)

7:00PM – Dinner! Jamaican Pattie, kalahati ng Blueberry danish, Brazo de Mercedez at Yogurt. What is diet?

Total for Day 6: Php 446

Tuesday, March 28

5:45AM – Oh yes! Last day na ng one week money diaries. Nakakapagod din gumawa nito, try nyo tapos tag nyo ako. Anyway, the same usual route papuntang office, tatlong sakay (P83)

7:00AM ako nakarating sa office. The usual #mrtblues, delayed ang train. Buti na lang saktong sakto lang talaga ako dumating sa office. Syempre makapal ang mukha ko nag-almusal muna ako bago mag-trabaho – pork binagoongan, half rice (P55) at Iced Coffee less ice (P50). Panindigan ang half rice at less ice para sa pagbabago. Charrr.

11:30AM – My birthday treat to my officemates! Hindi pa din ako nanlilibre ng first sweldo ko (nag-start ako this year). Kumain kami sa Bad Bird Megamall. (P2,850)

2:00PM – Naka-receive ako ng text galing sa dati kong company na may last pay na ako!

4:01PM – nag-logout sa office at nag-Uber papuntang Rockwell para kunin ang last pay (P90)

5:15PM – Nakuha ko na ang last pay ko kaya feeling ko ang yaman ko! Nag-uber ako sa Rockwell papuntang Novaliches (P353)

7:00PM – Feeling ko busog pa ako sa kinain ko sa Bad Bird kaya ang dinner ko ay yung natira ko kagabi na Blueberry danish at Brozo de Mercedez ang dinner. Nakakatuwa talaga ang diet plan ko. Feeling ko kinabukasan payat na ako. (P0)

Total for Day 7: P3,435

Total for 7 days: P6,754!!!

Breakdown:
Food – P4,531 (61%)
Transportation – P1,320 (18%)
Grocery items – P985 (13%)
Others – P599 (8%)
Points rebate: -P681

Batman v Superman: Dawn of Justice: Spoiler Alert

Namatay si Superman.

Ang lungkot nung funeral scene, pero tumatawa kami ni Harvey.

Bata Batuta Isang Pera Muta (nakaupo sa likod namin): Daddddyyyyy huhuhuhu bakitttt namatay si Superman waaaahhhhh Daddyyyyyy ayawww huhuhuhu ko naaaaa

Don’t give up on life, kid. Simula pa lang yan ng maraming disappointments mo sa buhay.

————————

Habang nagro-roll na ang credits (patay pa din si Superman), may isa pang bata na sumigaw.

Bata Batuta Isang Pera Muta 2 (nakaupo sa harap namin): Daddy, nasaan si Spider-Man?!

Sorry, kid. Your father dragged you to the wrong movie. And yeah, simula pa lang yan ng mga disappointments mo sa buhay.

 

Blogging is Dead

Noong unang panahon, sa isang malayong lugar (Makati) ay may isang empleyado (entry level) na maraming panahon at oras para magbabad sa internet. At mula noon ay naimbento ang blogging. Or not.

Then, na-promote sya (obviously ako ito). Sinekreto ko dahil una, ayaw kong manlibre. Pangalawa, feeling ko nabigla ako noong na-promote ako. Hindi pa nagsi-sink in na tanginaaa ang dami kong gagawin kapag promoted ako. Hindi na ako makakapag-blog.

Yan ang unang dahilan.

Then, nag-asawa ako. Hindi naman sa naging seryoso na ako sa buhay, dahil lalong hindi seryoso ang asawa ko. Pero wala na akong kalokohan na iba-blog. Alangan naman ikwento ko ang kalokohan namin sa ka… ma.. stahp.. me.

Then, nasira ang salbehe.com. Like, HUHUHUHU! Ang hirap magsimula uli mga beh. Nakakawalang gana. #deeptruth

Then, nauso ang social media. Ang dami kong nauubos na oras para mag-check ng Facebook, mag-post sa Instagram at mag-rant sa Twitter. Saan ko pa isisingit ang pagba-blog?

Then, I’m sure marami pa akong maiisip na dahilan like nautangan ako ni Yanah (blogger), may nakaaway akong tanga (blogger), may napangakuan akong magdo-donate pero hindi ko natupad kaya nakakahiya magpakita (blogger), mahirap mag-post gamit ang WordPress pero medaling mag-stalk (blogger), naloko (blogger), nagsawa (blogger). Tinamad.

Sana sinapagin na ako ngayon na mag-blog uli. Or not.