Koment V2.0

Hindi bawal magkoment, medyo lang.

Hindi na po ako magpapakumento sa mga blog ko sa WordPress. Pansamantagalan, dito po ang lahat ng mga inyong komento, centralized kum baga. :D

  • Meron namang ibang site na pwedeng magkoment na pinopost ko din ang blog ko. Kung trip mo, dun ka na lang magkoment. Madalas din akong online, kung nagustuhan nyo ang blog ko, just drop a line.
  • Karamihan kasi ng nagbabasa ng blog, wala lang magawa. Karamihan din tinatamad magkoment.
  • May theory ako na hinuhusgahan natin ang blog base sa dami ng koment. kung walang koment, walang manghuhusga.

Nandito ang mga dating komento.

Anong bago sa Koment V2.0? Magta-try akong sumagot ng koments. :P

Advertisements

248 thoughts on “Koment V2.0

  1. papa karl ay nagsasabing:

    in fairview quezon city, i love your new site. anlinis tignan. ang ganda ng layout. gusto ko ng ganitong approach sa blogs :)

    anyways, nagkausap na tayo tungkol sa bagay na ito (pananahimik). alam mo na ang irereply ko dito, kaya mabuti pang wag ko na lang ulitin.

    miss na kita salbe, kahit hindi tayo talo, hahaha :D antagal mong nanahimik. OA na yan, dumaldal ka naman ulit, hahaha :D

    • Actually Karl, sa Novaliches, Quezon City ako nakatira. :) Ito ang nagagawa ng walang magawa, nagpapalit ng layout ng blogsite.

      At yung pananahimik ko, nagpa-Plurk pa naman ako ah? Wala nga lang personal na cheverness. :P Hayaan mo, this too shall pass.

  2. karen ay nagsasabing:

    hi :) i always read your blog..then etong entry mo that you mentioned “avery may bago” napa decide ako magcomment syo..kc i have a hs friend din named avery may bago..same kaya tayo ng tinutuloy?hehe

    • Hi Karen. Alam mo ba na pumasok sa “Spam Comments” ang koment mo? Bakit kaya? Siguro dahil hindi ka madalas mag-koment. :shock: Hahahha! Anyway, si Avery May Bago ay ang pinakasikat na member ng UPLB Statistical Society (UPLB STATS). Hindi lang ako ang gumagamit sa kanya kapag may nagtatanong ng “Anong bago?”, sumasagot kami ng “Si Avery May Bago” o “Si Avery lang ang kilala kong Bago”. Ewan ko kung sinong nagpauso nito, baka ako, hindi ko matandaan. :???: :?: Paano mo nakilala si Avery? :wink:

    • Yan ang hirap sa isang comment page, hindi ko alam kung anong tinutukoy mo. Madami pa man din akong kinaaaliwan. :oops:

      Hayan, nagko-comment na din talaga ako. Yiee.

    • Hi sarah! pareho kayo ni karl na interesado. Para mas madali ganito:

      Kung sasali ka sa speed dating ng isang beses lang ang babayaran mo ay P450 + P500 = P950.

      Kung kakaririn mo at susulitin mo ang reg fee na P450 at aatend ng 6 na date, magiging (P450/6) + P500 = P575 per date night. PERO, dahil 6 date night ito ang gastos mo sa isang quarter ay: P575*6 = P3,450! Hindi pa pala kasama dyan yung discount na makukuha kapag madami kang invite, o yung susuotin mo, o yung presure na kailangan makahanap ka ng Mr.Right dahil nagbabayad ka ng malaki. :roll:

    • Oo nga. Yung P3,450 pwede ng isang gabi sa klas na hotel, yun eh kung seryoso ka. Kung hindi ka naman seryoso pwede ng karton sa damuhan. Libre pa! :mrgreen:

  3. SALBE haha wala naman ako bumalak pumunta.. di ko keri yan haha.. mahirap na masayang ang pera har.. baka walang mabulag.. akyat na lang tayo bundok lolz

  4. noong mapanood ko yong performance niya sa ellen at oprah, nagka-goose bumps talaga ako. parang kahit di ko siya gusto, I’m proud na na-achieve niya yon. gusto ko siya before, noong bata pa siya na sumasali pa sa mga singing contest.

    okay naman siya sa isang panooran, pero parang pag sunod-sunod na medyo nakakarindi. ang style lang ba sa pagkanta ay pagbirit. siya yong tipong nag-a-out stage kahit di intentional kasi pag puwedeng bumirit, ibibirit na kaagad.

    siguro di ko lang type yung style niya kaya ganoon, but nevertheless proud pa rin ako sa kanya as a pinoy. ako in favor talaga kay apl at billy.

    • Hi hitokirihoshi. Alam mo bang nabubulol talaga ako sa pangalan mo hehe. Salamat sa laging pagdalaw at pag-iwan ng comment sa page ko. :D Alam kong lagi kang nagkokoment pero ngayon lang yata ako nakapagpasalamat.

      Tungkol kay charise, minsan talaga mukha syang tae, minsan cute. Naguguluhan talaga lang ako, para syang pulitiko. :|

  5. aysus…avid fan ako ni charice hehehehehe….sabi kasi ni mami oprah yan daw dapat iamge nya sa holiwud!
    kahit ako nabigla ng makita ko sya sa yutub….weeh kala ko ita! (no offense made)…..
    pero yun talaga sabi nya kay ate kris…utos daw ni oprah…
    anyways….fan pa rin ako! hahahahahahahaaaaaaa…..aray ko sumakit ang panga ko! musta na po!

    • Hi blurosebluguy. Kamusta ka na? Mabuti naman ako, eto tumataba. ;)

      Tungkol kay charise, nabibigla din ako sa mga pagbabago sa kanya. Kung utos ni Oprah na magmukhang katulad nya.. ok payn. Now I know. hehe :x

  6. maganda umaga po. Makikiraan. Hehe… Napadpad ako rito… Ngunit di ko lubos na makita ang daan. Babalik na lang po ako para magkumento. Hirap ako magbasa sa telepono…

    …kapitbahay pala kita sa novaliches. :)

  7. Mukhang naliligaw ka nga ng landas. Ngunit kung napadpad ka dito, marahil ikaw nga ay nasa tamang daan. :cool:

    Joke! Welcome po sa page ko. Sana mapadalas ang bisita mo. :lol:

    • A ha! May bago pala. Hay naku, gawain talaga ng Tunay na Lalake. Pamisteryoso epek. Akala ko dati dahil natalo sila sa Philippine Blog Awards kaya sinarado na. Hahahha! DTNL! :X

      • lio loco ay nagsasabing:

        ang alam ko sisimulan na nila norman wilwayco ung bahay ni abraham. kapalit daw ng tnl.

        at hindi ko pa rin nababasa ang mondomanila. pakernut. un lang.

  8. lio loco ay nagsasabing:

    gumawa na rin ako ng sarili kong wish list shit at marami akong nagoyong mag-isponsor. haha! sana lang totohanin nila.

    gusto ko rin ng marty’s cracklin. pero ung salt and vinegar, ayoko nung plain.

    ung credit card, sa awa ng diyos, wala na ko sa linyang bente mil. four digits na lang. at oo, nakakalula ang interes na binabayaran-sinasayang ko. hahahay…

    ung datkom, payb handred lang yan pag blogger. ang kaso mo, wordpress ‘tong iyo di ba?

    • Mag-sponsor? Hindi ako umaasa. Pero kung meron man, sana kunin na lang nya yung credit card bill ko. Napakasaya ko na pag nagkaganun.

      Sa Blogger? ayaw ko. Wala ganitong theme sa Blogger. Hehe

      At gusto ko talaga ng world peace. I thank you. :lol:

    • Hindi naman ako isnabera, medyo lang. Eto na ang bago kong new years resolution, ang mag-comment sa comment.

      Ewan ko kung nasabi ko na ito: Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa blogsite ko. Isa ka sa laging nagkokoment kahit walang nakatutok na baril sa mukha mo. Hahaha! Kung mapapansin mo kasi puro kaibigan ko lang ang nagbabasa talaga ng shit na ito. At minsan (o madalas?) pinipilit ko silang magbasa o magkoment.

      Ayan ang mahirap kapag nagkokoment ako, kasing haba na ng blog ang sinusulat ko. Hayun si Trabaho, napabayaan na naman. :shock:

      • lio loco ay nagsasabing:

        eto lang sasabihin ko din sa’yo: hindi ako madalas nagba-bloghop sa blog ng iba pero kapag nagustuhan ko ang blog mo, babalik at babalik ako. hehe.

        ung kay melissa at marian, parang mas gusto ko ang patawa nung una. pero parang mas masarap ‘yung puke nung huli.

        okei. sori na. bastos na naman ako.

    • Madrama ba. Syet. Hindi bagay sa akin maging dramatista. ;) Yung domain name, mabibili sa mga nagbebenta ng domain name. Sa ngayon, wala akong balak magpalit ng URL, pero kung may magreregalo, why not? Choc Nut. :lol:

  9. papa karl ay nagsasabing:

    hay nako salbe, sana nga mapakinggan ka ni santa claus, dahil ilang beses na kong humiling jan ng bf, hanggang ngayon wala pa rin akong ganun. kainis hahaha

    • Ako nga nalilito kung papaano ispelingin ang madaming ex: “exes” o “ex’s”. Buti na lang hindi ako i-che-check ng English teacher ko. :eek:

  10. hyacinth0907 ay nagsasabing:

    as usual natuwa nanaman ako sa blog mo, ang masasabi ko lang ay guilty si deejay.. baka anghel na may buntot un hehe..basta focus on the future na lang ang ex dapat binabaon sa limot. hehe

  11. papa karl ay nagsasabing:

    unang puna: ang taong tinamaan pero hindi siya ang pinatatamaan ay maaaring guilty, o kawawang biktima. pag ikaw ba tinamaan ng batong ibinato para sa katabi mo, guilty ka? hindi naman diba? hahaha

    ikalawang puna: para sa sagot mo sareply ko kay santa claus, sige. kakausap ako ng gym instructor. baka sakaling siya ang maging santa claus ko. malay mo, maraming nakaimbak sa men’s locker room na pwede ko pang pagpilian! baka bigyan din kita ng spare! hahaha joke lang, bati tayo mark :D

  12. beck19 ay nagsasabing:

    komento :
    nakay boyfie naman yung kung kakarengkeng siya kay ligaya. kahit pa tumihaya si ligaya sa harap niya, kung sigurado na sya sa sarili niya na wala na talaga si ligaya sa buhay at puso niya. dedma lang siya. wag ka mag panic.

    tingin ko kulang ka rin kay boyfie ng assurance kaya ka nakakagawa ng shotouts at blog. wala ka kasing kontrol sa kung anong gawin ni deejay o ligaya. hindi mo sila kaanu-ano at wala silang koneksiyon sa yo. ang paniniwala ko kasi, kung wala kang kontrol sa isang bagay, hindi na dapat iyon pinapansin. sa ginawa mong blog, sigurado akong nakangit si ligaya, dahil apektado ka – sobrang apektado ka – sa mga ginagawa niya. wag mong pansinin.

    • Hi beck19. Salamat sa pagbisita at sa pagkomento. Sapol naman ito. Sagad hanggang buto. Baka magpatingin na ako sa Orthopedics. :neutral:

      Hayaan mo. Minsan lang mangyari ang mga ganitong blog ko. Parang blue moon.

  13. aubu22 ay nagsasabing:

    ang hirap pla pag madaming ex ang bf, hehe, boypren ko din daming ex, pero wala pa akong nakilala kahit isa, pero anyways, keber sa kanila:P

  14. nell ay nagsasabing:

    Komento ko..maaring guilty nga c deejay,pero only, for being one of the ex ni boyfie..pero not neccessarily na may ginagawa sya move to win him back..

    its just that ung relationship ni deejay sau is not so pure..at tingin nya sau e praning sa mababaw na dahilan, na s simpleng pangangamusta nya kay boyfie e ikakagalit mo sa knya..

    gets mo?parang ako nalabuan sa paliwanag ko e…haha

    • Actually, maliwanag ang paliwanag mo. Sang-ayon pa nga ako. Noong nararamdaman ko na baka natatamaan si Deejay sa mga pagpaparinig ko kay Ligaya, wala akong ginawang hakbang para sabihin sa kanya na huwag syang praning. Keber. Hindi naman talaga kasi kami magkakilala ng husto. Dahil kung kilala nya ako malamang alam nya na hindi ako selosa. Praning lang ako. At maldita. At salbehe. :lol: :evil:

      • nell ay nagsasabing:

        Hehe..maldita ka nga..pero di ko lam na praning ka…pero…praning at maldita together sounds “selosa”..isnt it? hehe…peace!

        nice blog about marian..his asset is Dingdong..hehe…

    • Hi joan. Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng koment. Balita ko, may lalabas daw na kapalit ng TNL. And yep, gusto ko ang tandem ni Melay at Jason. Sana huwag uling mavote-out si Jason para masaya sa House A. :)

    • Hi alkapon, maraming salamat po. Nakakalaki ng suso, este nakakataba ng puso pala. anu ba yan. :shock: :neutral: kaya lang tumitiklop ang buntot ko sa mga blog awards. :???:

  15. Nabasa ko yang men are from mars women are from venus na yan. Hindi diya helpful kasi bigla ka magkakaroon ng doubt sa capacity ng male and female na mag coexist. Ang epeks…umaatikabong away kay boyfrend dati na hubbyness na ngayon.

  16. lababo ay nagsasabing:

    hinahanap ko yung comment ko dito kaso ewan, nawawala. haha. o baka naman hindi ako nagcomment? pero natatandaan ko sinabi ko na babasahin ko ang mga blogs mo kasi interesante… asan na? asan na!? haha. It’s really really nice to meet you. =)

  17. Parehong nilalang na kapwa talunan.. ha ha ha

    i don’t think manzano can uplift his candidacy as vice president, he’s looser. wala kong tiwala sa kakayahan niya, just like cotto babagsik din, matutulog sa lona, at manghihiram din ng mukha ng Aso para maipatapal sa makapal niyang pagmumukha. ha ha ha ha

  18. uhmmnn… seryoso ba siya?
    i think… i think lang naman. enough is enough. haha.
    tama na yung minsan siyang natalo. tama na yung maraming artistang tumakbo at natalo. tama na yung artistang nanalo at walang nagawa. tama na. pero kung sa oblation run siya tatakbo, bahala siya kung gusto niya.

    PILIPINAS, Game ka na ba?

    kamot ulo, sabay sayaw ng papaya dance.

    • Yieee. Pwede bang si Luis Manzano na lang ang tumakbo sa oblation run? :oops: habang sumasayaw ng papaya :mrgreen: I’m so game na sa ideyang yan! (excited)

  19. teka! ang deep ata ah. Di ko mareach. Paano ba ‘yon? Wala akong alam sa mga ganyang bagay eh. Sorry nemen… Hakhak!
    Pero ayos ah! BAt kasi sila pa ang nagmeet. Malay natin may reason kung bakit. May dahilan kung bakit sila ang tinira ni kupido. At iyon ang aalalamin nila. Siguro baka to overcome fear! ay ewan! ang labo ko! Sorry nemen!

  20. Nakakalito naman itong blog mo, iba yung naka post, iba yung comment section, dami pinipindot, mag rereklamo na ako sa baranggay,, ha ha ha

    Asan na yung Sago sa Sogo? mmm, hinahanap ko yung pic ng sogo, familiar sakin yun, madalas kong napupuntahan para magpamudmog ng sago-sago.. ha ha ha

    • Sorry naman po, ayaw ko lang ng koment sa post ko kaya gumawa na lang ako ng isang page para sa koment. Kasi hindi naman din ako makoment. You know.. :???: :?:

  21. ah. pareho pala ang comment section ng bawat article! hehe.

    pinahiram ako ng book na ‘Men are from Mars, Women are from Venus’ pero ang nagbasa lang ay ang ate ko. di rin ako mahilig magbasa ng ganyang klaseng libro. minsan, siguro pag walang magawa.. ayun! pag nasa liblib na lugar na walang kuryente.. magbabasa na lang ako kaysa mamatay ako sa boring-ness.

    parang psychological books or.. forgot the term.. aw..

    • Hi aksoriyalmo. You made it! Hehe. Yep, sa isang page lang pumupunta ang mga koments. Mabuti ng kayo ang malito kesa ako. :?: Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng koment. :) Ayaw ko din magbasa ng mga librong nakakatuyo ng utak o nakakadugo ng ilong. Ok na sa akin ang komiks. :eek:

    • Hi lala! Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng koment sa blogsite ko. :) Eto ang email sa akin ni Yelo:

      “Dami pala nalilito dyan sa koment section mo.. hehehe. Eto ang fave ko: for sago and yelo, is it worth it in the end? chos! hehehe”

      Siguro alam na natin ang sagot sa tanong mo. :wink: :twisted:

  22. lababo ay nagsasabing:

    Pagkakita ko pa lang ng mga numbers ay nagscroll down na ako. Take two kaya ako sa stat1. Buti na lang maganda pareho ang instructor. lol

  23. papakarl ay nagsasabing:

    eto pala yung tungkol sa computation ng confidence interval ng proportion hahahaha :D akala ko naman kinailangan mo sa trabaho mo hahaha :D

    anyways, natuwa naman ako sa post mo, salamat sa pagbigay ng credit sa akin sa dulo. nawa ay tama ang formula na sinabi ko sayo, dahil kung hindi, babalik ako sa stat para mag-aral ulit hahaha :D

  24. ay teka di pa namin to napag-aaralan sa stats ah… di bale pag-aaralan din siguro namin yan!
    grabe naman si gibo! ewan ko kung maaawa ako sa kanya eh… hakhak! nakapanlulumo…

    • Goodluck sa future stat subj mo. Ang payo ko sa iyo hanggang sa maiiwasan, iwasan mo. ;) Si Gibo? Dapat kumuha ng stat consultant, ang kunat eh. :lol:

  25. saklap ng love life parang yung sa film nga ng camiguin nina gelli de belen at jomari yllana.

    para sa akin, kung mahal niya ang tao at may time element ang love life. go go go. live life to the fullest, mahirap magsisi sa bagay na di mo na talaga maibabalik pag nawala. mas sad yun

    • Hindi naman masaklap, badtrip lang. Hahaha! Pareho lang yata yun. Actually yan ang payo namin kay Yelo. Ibigay na ang langit kay Sago ng mas maaga. :mrgreen:

  26. Miel ay nagsasabing:

    Hello Salbahe hehe ano nga pala nickname mo? Salamat sa pagdaan last week sa blog ko… paxenxa na ngaun lang aq nakabisita sobrang busy tlga… pwede ko ba add ang link mo sa blogroll ko? Minsan dadaan lang ako pero di muna nagkokoment pag windang at walang laman ang utak (which is madalas!) TC!

  27. Kamusta Salbehe (tama ba ang baybay?)

    Mahaba-habang pasasalamat ito:
    Salamat-salamat-salamat-salamat-salamat
    una, sa pag”Silip…”
    ikalawa, sa paglalaan ng oras sa comment box
    ikatlo, sa pag-follow sa aking blog site
    ika-apat, sa pagbisita sa online shop namin ng aking kapatid
    ika-lima, sa pag-follow sa tweeter at plurk ng online shop namin

    Bago ako rito sa iyong site kaya medyo nangangapa pa sa dilim. Pero natuwa ako sa layout ^_^ may pagka-control-freak kasi ikaw ang nagdidikta kung saan lang kaming mga trespassers pup’wedeng magkomento — aylabet!

    Sang-ayon ako sa’yong punto:
    Sa pag-uuri ng isang blogsite, hindi marapat gawing pangunahing batayan ang dami ng komento… lalo na kung ang mga komentong nakapaloob ay pawang
    – “nice post” — ows? binasa mo ba talaga? ano nabasa mo?
    – “nice blog” — baka naman bola lang ‘yan! aber bakit nice?
    – “follow you, follow me back” — ganon?! may utos factor! mukha mo!
    – “bloghopping” — e anong pakialam ko!
    – “ex-links” — p’ano kung ayaw ko?! may magagawa ka? wala!

    Ipagpaumanhin mo kung ayun lang muna ang aking maibibigay sapagkat may pagka-abala pa ako… kaya nga pati “Silip…” inaamag sa kalumaan ang mga sulatin. Medyo lunod na nga ako sa lalim ng aking to-do list.

    Babawi naman ako some time soon. Magbabasa ako ng entries mo rito para naman magkaroon ng saysay ang ibibigay kong mga komento sa hinaharap ^_^

    Ingat!

    • Eto yata ang pinakamahirap na koment na sasagutin ko. :roll: Maraming salamat po sa pagbisita at pag-iwan ng napakahabang koment. Nagustuhan ko po talaga ang mga damit nyo sa online shop nyo. So girly. :blush: At opo, tama ang baybay mo, Salbehe. :)

  28. nalilito ako sa pagbabasa ng pangalan mo, kala ko “salbahe” ung pala medyo slang.. “salbehe”.. (para tuloy ako may kapansanan pag binabanggit ko).

    btw, ang ganda ng style mo. kung san san ako napunta bago ko makarating dito sa comments page.

    add kita sa blogroll ko. pwede mo rin ako gawing manager para sumikat ka. bwahaha!

    • Yep, salbehe nga, medyo sleng. :| Buti po nakarating ka ng maayos sa comments page ko. Na-add ko na din po ang RSS Feed mo. Manager? Why not? Choc nut. :)

  29. ayos todits. bihira lang akong sipagin magbasa ng blog sa wordpress (dahil nasa blogspot ako, wehe). pero mukhang nadagdagan na yung tambayan ko sa WP.

    p.s. di ko sasabihin ang katagang “x-links” dahil cool ako. lol

  30. Porn is an art…

    ha ha ha parang ikaw lang yata ang nagsabi nyan..

    marami ka bang collection ng porn? he he he sabay ganun eh..

    tara manood tayo.. tayong dalawa lang.. ha ha ha

    • Hindi naman. Maraming nagkalat sa blogsphere na nagsasabing porn is indeed an art. Jap hentai is a perfect example. Yung collection ko unti unti ng nauubos dahil inaabuso ng mga nanghihiram. :cry: may kasabay na akong manood. :oops:

  31. hakhak! ayos porn is art! oo naman! kaso yun nga pag pinapanood mo na andami nilang nasasabing mga kung anu-ano na kesyo ma-L ka daw.. tipongganun! pero hentai lang siguro! hahahahaha!

    • Lakasan naman talaga ang labanan sa mundo. Sabi nga, “The strong inherits the world, the poor inherits shit”. Teka, off topic na. Hahha! :eek:

  32. wahhh ang lakas ng loob ah. pero kung wala namang kahiya-hiya, why not di ba?

    ako dati galit ako sa mga gumagawa ng hentai. feeling ko kasi binababoy nila ang art ng anime. lately ko lang nalaman na talagang ginagawa ang mga ‘yon at may story rin. hmmm kung papipiliin siguro ako, hentai na lang panonoorin ko. at least walang magrereklamo na na-e-exploit sila. wahehehe

  33. muli na naman mag komento, para sa mga nakapaskil mong pictures..

    it so funny.. kaya pala salbehe ang screen name mo kasi medyo salbahe ka.. he he he, may pagka pilya ka ng konti..

    • Hay naku, mahabang istorya talaga kung bakit “salbehe” ang screen name ko. At dahil tamad akong magkoment hanggang dito na lang. ;) Maraming salamat sa laging pagbisita dito! :)

  34. papakarl ay nagsasabing:

    in fairness, ang recent pic mo sa multiply ay ang caramoan trip pa natin a hahaha :D hankyut ng post na to. lab et

  35. wawawawaw naman! ang kulet! paano ba yan! gusto ko man gawin din ito kaso wala akong masyadong pichurs! wala nga ata talaga. ayaw ko kasi magpapichur! gusto ko ako kumukuha ng litrato!

  36. shynyrd ay nagsasabing:

    musta? oi, gusto ko rin manood ng porn, nyahahaha meron din ako collection. pero patago nga lang. galing sa mga kuya ko. nyahahaha…

    taga nova ka pala. sa bagong silang naman ako. neighbors pala tayo. ahahaha… i like yung mga pics mo.. parang gusto ko gayahin. nyahahaha. itag mo kaya un. toinks…

  37. dhyoy ay nagsasabing:

    bwahaha ipiprint ko ba ito… hahaha kailangan ko ng guidelines dahil evreyday pinipilit ko ang sarili ko maging kapaki- pakinabang hahaha… hang kulet! :lol:

  38. nyahahahaha! natawa ako dito.
    wag na wag mo idedelete ang entry na ‘to hanggang sa nagtatrabaho na ako.
    hakhak!
    ayos!
    eh paano kung tinatamad mag-aral? hakhak!

  39. moonchild117 ay nagsasabing:

    hi! nakita ko yung link mo sa blog stats ko habang nagpro-procrastinate ako dito sa aming opisina. salamat sa pag-add ng link ko sa list mo. will be adding yours, naaaliw ako sa posts mo. :)

  40. lababo ay nagsasabing:

    magmukhang aburido at ikunot mabuti ang noo para matakot silang lahat na abalahin ang pagpapanggap mo. wahaha.

    malapit nang mabura ang alt at tab buttons ko. punyemas.
    ayus ayus!

  41. starrex ay nagsasabing:

    nde ko lam kung bakit ako nandito. basta gsto ko lng nman ay pabagsakin si carol ng pbb double up. ikaw b natutuwa s attitude problem nya? mxado x feeling matalino at sobra n ang pag iinarte. lage nman kulelat s mga tasks

  42. TRIP KONG JACKPOT
    nyahahah! ayos! mukhang masarap ang chicharon! pero parang mas feel ko yung salt and vinegar! hakhak! sumpa ang credit card!

    ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG TINATAMAD KANG MAG_ARAL
    oh yeah! ginawan talaga niya ng post oh! astig! hakhak! pero nahihiya naman ako pumasok ng late! nakakahiya talaga! parang ikaw pa yung panira ng discussion! hakhak!
    absent na lang!

    TRIP LANG
    naks! yabangis!

    C GAME
    yaw ko muna tignan… kasi andito ako compshop! baka maya kung ano isipin nila!

  43. salbehe,

    pag sa blogspot ka nag host 500 na lang pwede na maging salbehe.com

    let me know if you need help.. di pwede sa wordpress wala silang redirect tulad ng blogspot

  44. wow! natuwa ako dun ah!
    nasa diskarte lang talaga yan!
    hindi lahat ng matalino maganda ang trabaho, may iba kasi na matalino pero hindi smart! hakhak!

    agree ako dyan! hindi ko rin tipo ang ganyang kalseng blog yung tipong lahat lahat ng updates sa buhay nilalagay! oh well baka nga naman online diary! wag na lang nating bisitahin. mundo nila yun!

  45. may ganon talaga?:) kayabangan lang pala talaga ang lahat :) totoo nga, kasi parang dun nasusukat ang ating pagkatao kung ano na ang mayroon tayo, at hindi na kung sino talaga tayo. naisip ko tuloy yung manliligaw ko dati, na pumunta sya ng alas sais ng umaga sa bahay namin, d pa ako nka bihis, d pa ako naka pag hilamos, pero sabi nya, dun ko daw masusukat ang pagmamahal nya, dahil tanggap nya kung sino ako talaga, ng walang kahit anong bahid na ka artehan sa katawan… walang maipagmamayabang…

  46. hello! nabasa ko yung melay vs. marian… hmm… ok naman, pero napansin ko lang na medyo biased naman yata. sana may good points sila pareho. hindi ako fanatic nino man. hindi rin ako kapuso o kapamilya. pero blog mo pa rin to. kaya, ayos lang., hehe. ((:

    • Pasensya ka na. Bias nga ako. Wala akong makitang maganda kay Marian kundi mukha nya. Kung binigay nya sana sa akin si Dingdong baka magkaayos pa kami. Nyahahhah! :lol:

      • ayayay… sana nga eh i-share nya yung ‘bagay’ na yun.. (kung iseshare nya) pero wala naman sa itsura nya. sabi ko nga, blog mo ito kaya ayos lang! haha! biased rin naman ako… lagi. ((:

        nga pala, i love ur ‘arrogance…” blog. tama yun! meron bang term para sa phobia sa mga taong mayabang? siguro meron ako nun. hehe. pero, sa kasong iyon, ang lalabas e takot ako sa LAHAT ng tao. tama po ba? hehe!

        yeah! may babasahin nanaman akong mga blogs… ((:

  47. dhyoy ay nagsasabing:

    ang saya ng krismas mo… di gaya ng sa akin… grabeng dumi naman yung nasa screen mo at umabot ng 48 years ang pagreturn op da comeback… bakit ka emo? hahaha

  48. akala ko hindi ka na magbloblog poreber! kasi online ka naman pero di nag-uupdate ng blog… anyways

    parang reunion party din kayo ah! kami rin meron! hahaha!

    kaya ayaw ko na nasisira laptop ko eh! ayaw ko na naghihintay! nakakainis!

    maligayang pasko at manigong bagong taon ate salbehe!

    ngapala, feeling ko tumaba ako ng kunti as in kunting kunti dahil sa dami ng kinain ko! ang daming foods! kaya masaya ang xmas eh!

    • December 25 = Christmas Party = Family Reunion. Mandated. Bago pa lang ikasal ang mga pinsan ko, pinaalam na namin ito sa mga magiging asawa nila para walang problema.

      Diet ako ngayon, in preparation for New Year celebration. :D

  49. melason ako... ay nagsasabing:

    over! haha..
    nice blog po…
    di hamak na mas mgling magpatawa
    c melai noh?
    she has a snse of humor tlga kc..^^

  50. hahaha! apir! gusto ko rin yung mag-isa sa bahay. lalo na pag nanonood ng mumu! susme! hahaha!

    pero masaya talaga maging alone sa bahay eh. bastaaaa! ang saya ng feeling! hakhak!

    hahaha! sa new year aarangkada ka na naman sa foods! tataba ka na naman… hakhak! peace!

  51. aLps ay nagsasabing:

    Got an HP laptop din. Medyo mabilis naman nung sa akin. Pero considering your case, whoa, ang tagal nga and “minor” problem lang naman ‘yung case mo. Haha.

    • Kung sasabihin ko.. malalaman mo kung saan ang bahay ko. PM me na lang po. Pagbebentahan kita. Hahahha! salbehe at hotmail dot com

  52. lio loco ay nagsasabing:

    sarap sigurong magkaron ng sariling “humble abode” no? sa picture mo pa lang, mukang panalo na eh. haha! san ka pla nakakuha ng rent-to-own? at tatlong libo lang na wala pang downpayment? astig! meron pa ba ngayon yan? kukuha ako next year, pag lisensyado na ko. haha!

    happy new year sa’yo salbehe! pakabait!

  53. ahkong ay nagsasabing:

    hellooowww sis….
    MERRY CHRISTMAS & HAPPY NEW YEAR sa inyo !!!!

    Masarap talaga mag isa….yung bang tipong, minsan kinakausap mo na yung sarili mo…tapos sinasagot mo pa? LOLs

    Pero maganda yang condong nakuha mo ha? 3taw lang monthly at rent-to-own aba ok na ok yan…..pagtyagaan mo lang at balang araw eh iyo na rin yan….at pag ayaw mo na may option kang pagkakitaan, pwede mong ipa-rent or ibenta….

  54. hi salbs (short for salbehe),

    happy new year!!

    minsan magpapaturo ako sayo kung pano
    gumawa ng ganito kagandang blog ah..

    naks!

    • Ilan lang ang tumatawag sa akin na “Salbs”. Siguro pangatlo ka. :) Thank you po. Madali lang ang ganitong blog, hindi mo kailangan ng special skill bukod sa copy paste technique. ;)

  55. charie ay nagsasabing:

    oist! grabe long time no hear! hahaha..matagal-tagal akong naghibernate!hehehe..
    musta na darang?? nabasa ko latest post mo…anong meron??bakit letting go na??

  56. waLa kang kasaLanan..& you can put the bLame on me..i won’t Let go though..i did my part & if it’s not enough,i’LL stiLL continue to be better 4 you..i swear in my whoLe heart!

  57. dencios ay nagsasabing:

    salbehe,

    ikaw ba ay nalolongkot? hehe joke.

    tama na emo, sa charming mong yan, aba naman, lalaki pa lalapit sayo.

    :D

  58. SALBEHE!!!!

    ‘bat ganun siya?
    tinamaan ng lintik…

    letting go is one way of loving yourself more. :)

    sana’y laging maging maganda ang pagsikat na araw!

  59. Roi ay nagsasabing:

    Hehe..Welcome Back!
    Yayayain kita next week gumimik para naman maging masaya! :)
    Wag kang mag alala, hindi naman kita pagkukwentuhin ng ayaw mu e. Masaya na kong makasama kang muli. :)

  60. Nikko Rain ay nagsasabing:

    hi po.. ;)
    nakapag komento na ulit ako sa wakas..

    ngayon, parang feel ko na lang magkomento, saka na muna basa..

    hahaha kasi kung dati panay basa lang ,walang komento, ngayon naman panay komento ng walang basa.. :D

    • Nikko Rain ay nagsasabing:

      para maiba naman.. kahit kaunti.. :)

      magandang umaga po..]

      *hindi na ako halatang madaling araw andito pa*

  61. dito ba talaga ang comment section para sa “yabang” ang masasabi ko lang, hindi lahat ng nabanggit dun ay tama at tamang may disclaimer ka sa ibabang bahagi. minsan ” hindi yabang ang dahilang nag pagsusumikap ng tao, para sa akin, may halong value at more on love”

  62. reil ay nagsasabing:

    hindi po sa nanlait ako ng tao,

    pero mas papanigan ko nalang si marian rivera kasi wala pong bumubuto sa kanya,, jajajaja

    si melissa kasi, nakakatawa, nakakapagpasaya, nakaka wala ng stress,

  63. ang korny ni melai nkakaasar!!
    wag nyong pagkomparahen ang pangit sa maganda!!
    dahil ang pangit pangit!!
    ang maganda maganda!!
    pag O.A O.A!!
    kasi O.A si MELAI!!
    kaasar!!
    wew!!
    badtrip NAKAKAPANGGIGIL!!

    • gwe ay nagsasabing:

      ewww inggit ka lng.insecure ka bah ky melai?.daaaahhhh…chakkkaaa ahhh.. .c marian puno ng wrinkles na dala lng ng makapal na make up..hahahaha ikaw bah mpakal bah ang> make up mo?.o sadyang mkapal ang iyong mukha?.PISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSYYOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO………

  64. gwe ay nagsasabing:

    …cno gus2 mag cmhot sng ilok ni marian?wahahahaha dw bilat sng ilok nya lng ehh..hehehehe…kill marian …kill kill kill kilikiling mabaho..letcheeee……….. plan?>????..

  65. JOY :)) ay nagsasabing:

    an epal ni MARIAN, sa dagat na lang xia! si DYESEBEL xia dba? amoy FISH
    arte mo! muka kang BALYENA!

    bayie!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sarado na ang mga puna.