Larawan

Current Playlist

Harvey's Pick

Here’s my favorite from this bunch:

Wiggle by Jason Derulo featuring Snoop Dogg – You know what to do with that big fat butt? Wiggle, wiggle, wiggle. O di ba? Sinong hindi matutuwa sa kantang may lyrics na ganyan. Syempre mga madre.

Stay With Me by Sam Smith – Nung shinare ko ang playlist na to sa mga opismate ko, sabi ko paborito ko ang Stay With Me. Sabi ni Jiana (opismate):

Huh? Bakit gusto mo ang kantang yan? Makikipag one night stand tapos hihirit ng stay with me. Ang tanga kaya ng kantang yan.

Binasag ni Jiana ang trip ko sa kantang to. I hate her!

Sirens by Cher Lloyd – Ginigising ni Cher Lloyd ang teenager kong puso.

I’m Ready by AJR – Tuwing pinapakinggan ko to hindi ko mapigilan mag-imagine ng baklang kanal.

Not a Bad Thing by Justin Timberlake – favorite ni Harvey

What’s in your playlist?

Tagged by Mommy Kaye and Vajarl

Tagged by Mommy Kaye and Vajarl

In your status (dahil ang hirap magkwento sa Facebook, sa WordPress na lang), list 10 books that have stayed with you in some way (hindi nawala sa puso ko?). Don’t take more than a few minutes and do not think too hard (yes! ang hirap kaya mag-isip). They do not have to be right books or great works of literature (okayyy). Tag 10 friends including me so I can see your list (nope, matatapos na ito sa akin). Here are mine:

1. If Tomorrow Comes by Sidney Sheldon. First book ni Sidney Sheldon na nabasa ko. May time pa nga na gusto ko sana ang pangalan ko ay Tracy (yung bida sa libro). Kaso may nakilala ako na Tracy ang pangalan na uber bitch, nagbago na ang isip ko. Okay na ang Salbehe.

2. Love Story by Erich Segal. Noong high school ko to nabasa nung pinahiram ni Kuhracha ang xerox copy nya ng libro. Yes, xerox copy – cover to cover. Bandang 2AM, nagising ang nanay ko dahil umiiyak ako, andun na kasi ako sa part na namatay si Jennifer. Opps, spoiler alert.

3. Story of O by O. Move over Fifty Shades of Grey, mas trip ko to. Pero hindi ko natapos ang kwento ni O kasi kinuha na nung may-ari ang libro. Bitin tuloy ako.

4. Then Came Heaven by LaVyrle Spencer. Tungkol ito sa madreng na-inlove sa nabyudong lalake na may dalawang anak. Tatlong beses ko na yata nabasa ito at tuwing matatapos kong basahin ang Then Came Heaven ay iniisip kong magmadre. Then Came Harvey.

5. The Bronze Horseman by Paullina Simons. Ang haba ng libro na ito, like months ko natapos basahin. Pinilit ko matapos basahin ang The Bronze Horseman bago ako pumunta sa China kasi inisip ko baka mag-crash ang plane (at syempre mamatay ako) nang hindi ko alam kung sinong namatay sa mga bida. Walang namatay sa mga bida.

6. Dexter Books by Jeff Lindsay. Dito ko na-feel the joy and pleasure of being a murderer.

7. My Book of Bible Stories by Jehovah’s Witnesses (English and Filipino version). Kaya please wag kayo magtaka kung bakit kilala ko si Noah at ang kanyang yacht.

8. A B N K K B S N P L A Ko?! by Bob Ong. Eto lang ang librong nagustuhan ko kay Bob Ong. Sorry Bob. Close?

9. Young Blood by Philippine Daily Inquirer. Because life happens to all of us. Yung iba nga lang ay mas magaling magsulat ng problema nila at nai-publish pa.

10. Sophie’s World by Jostein Gaarder. Sa Philosophy class noong college, required basahin ito at magpasa ng reaction paper. Hindi ko natapos basahin kaya nag google ako para makagawa ng reaction paper.

Larawan

Eyeglass Frame for Adoption

I got a new eyeglass, nagbago na din ang grado ng mata ko at ayaw ko na papalitan pa ang lens nito kaya kung gusto nyo sa inyo na lang.
2013-09-09_1378732081

Color: violet, red, black combo

Length, width, height – I don’t know, nakalimutan ko na

Frame: plastic, sobrang gaan sa pakiramdam

Age: almost one year old.

Contact me for more details.

Edit: Kay Kuhrach na ‘to! Thank you for viewing my ad. Charot!

Gusto ko Mag-alaga ng Pusa, Gusto ni Harvey ng Aso

Gusto ko Mag-alaga ng Pusa, Gusto ni Harvey ng Aso

So, mag-aalaga kami ng halaman.

Step 1. Gumawa ng lalagyan ng halaman.

Noong The Great Northern Sale sa SM North, bumili kami ng kahoy (pang bookshelf), braces, turnilyo at basurahan na may takip! Dream come true! Matagal ko na gusto magkaroon ng basurahan na may takip.

IMG_20140729_125552

Yung pagkakabiy ng bookshelf ay pinaubaya ko na kay Harvey. Pero sab nya (sabi nya lang ha? huwag tayong masyadong maniwala) hirap na hirap daw sya magkabit ng braces. Nanghiram pa daw sya ng electrill drill sa maintenance. Tapos, bukod sa wall na semento, yung dingding daw namin ay may bakal na pundasyon pa na mas mahirap i-drill. Basta ang dami nyang dada! Buti  na lang maganda ang kinalabasan ng aming pink wall.

Wall of fame.

A post shared by Salve Kristina Mogul-Dominguez (@salbehe) on

Step 2. Bumili ng halaman.

Noong unang panahon pa man (siguro last month), kapag pumupunta kami ni Vaj sa Megamall at nadadaanan namin ang mga halaman sa kiosk (yung sa gitna, yung madadaanan mo talaga) lagi na akong tumitingin ng halaman dun. Hindi naman ganun kamahalan, pero lagi akong napapaisip na kung sakaling bibili ako ng halaman saan ko naman ilalagay? Kaya ngayong may bookshelves na kami. Gora! Bumili ko ng dalawa: Fortune plant at love plant.

Syempre hindi papahuli si Harvey, inggetero din yan. Nung nag-grocery kami sa SM Novaliches (our fave mall!) bumili sya ng tatlong halaman. Ngauon ay may lima kaming halaman.

PhotoGrid_1406603209595

Ang favorite ni Harvey? Eto:

DSC_0006

Dahil hugis tite.